Friday, April 25, 2025
spot_img
HomePhilippine Asian News TodayThe Tall OrderThe Tall Order: Ombudsman sinibak Porac mayor sa POGO hub; Digong gustong...

The Tall Order: Ombudsman sinibak Porac mayor sa POGO hub; Digong gustong sa Pinas mamatay; Comelec checkpoint, ayos

Sinibak na nuong nakaraang Linggo ni Ombudsman Samuel Martires si suspendidong Porac Mayor Jaime Capil dahil sa gross neglect of duty kaugnay ng ilegal na operasyon ng Lucky South 99 na konektado sa POGO sa Pampanga. Tanong ng bayan…

Bakit di kasamang nasibak si Leon Guerrero?

 

********

 

Bukod sa pagsibak sa pwesto, ikakansela rin ang eligibility ni Capil pati na ang pagbawi sa kanyang retirement benefits at perpetual disqualification sa government service. Tanong ng bayan…

Bakit hinayaan pa tumakbong Alkalde si Capil?

 

********

 

Ani naman Capil ay natanggap na niya ang utos ng Ombudsman at maghahain siya agad-agad ng apela sa Court of Appeals hanggang sa makarating ang isyung ito sa Supreme Court. At habang wala pang pinal na desisyon ang Supreme Court ay…

Pinayagan ng Comelec tumakbong Mayor ng Porac si Capil.

 

********

 

Gusto na umano ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na umuwi na at sa Pilipinas mamatay ayon kay VP Sara Duterte na bumalik na rin sa Pinas nuong Linggo ng gabi, Abril 6, matapos ang halos isang buwan na pamamalagi sa The Hague. Ang tanong lang ng mga DDS ay kung…

Kelan at paano uuwi ang Tatay Digong nyo?

 

*******

 

Sa September 23 pa ang umpisa ng trial ni DU30 sa The Hague at habang hinihintay ng mga DDS ang araw na iyon ay tiwala raw, ang ICC lawyer ni DU30 na si Nicholas Kauffman na pwedeng payagan ‘makalabas’ piitan ang dating Pangulo ng Pinas. Pero, di yata kilala ng British lawyer si Elsa, na nagsabi ng…

Walang himala!’ – Nora Aunor

 

********

 

Tinawag ni VP Sara na “lason” ang patuloy na nangyayaring graft and corruption sa Pilipinas at dapat na itong masugpo dahil nasa mataas na antas na ang ating bansa sa nasabing kanser na ito. 

Nakngdragon, Tol Reyfort! Look who’s talking!

 

********

 

Nalimutan na yata ni VP Sara nuong administration ng Tatay Digong nya ay binigyan umano ng Kongreso ng Ph51-Bilyong budget mga projects ng Utol nyang si Cong. Pulong Duterte ng Dist. 1 ng Davao City, pero, natapos na ang 6-year term niDU30 at 2-term ng Kuya ni Sara ay…

Nabaon sa limot ang Ph51-Bilyon ni Pulong.

 

********

 

O, baka naman nagka-dementia na muna si VP Sara dahil di na niya maalala yong bilyong-bilyong pisong nalagas sa kaban ng bayan na napunta sa bulsa ng mga kaalyado ng Tatay Digong niya tulad nina…

Michael Yang na nagpasok sa Pharmally at COVID vaccine.

 

********

 

At di nga ba kayat na-impeach ng Kongreso si VP Sara ay dahil sa di niya mai-paliwanag sa COA ang paggasta ng milyon-milyong Confidential Funds na ibinigay sa kanya sa OVP higit lalo sa DepEducation na kung saan…

‘Libo-libong multo’ tumanggap ke Sara ng puto, err, pondo.

 

********

 

Huwag na muna nating isa-isahin indulto ni DU30, ni VP Sara at miyembro ng pamilya ng Duterte at hintayin na lang natin na maumpisahan na ang trial ni FPRRD sa September 23 at ang impeachment case ng Bise Presidente na uumpisahan pa raw matapos ang mid-term election o’ matapos ang SONA ni PBBM. Paraanin daw muna natin ang…

‘Mahal na Araw’ na inoobserbahan nating mga Katoliko.

 

********

 

At dahil matagal akong di nauwi rito Pinas ay nasabik akong mag-travel locally, simula sa Paoay, Ilocos Norte na kung saan inanak naming mag-asawa sina Moises at Aralynne Labrador sa isang napaka-garbong kasal sa Paoay Church, ang pinaka-matandang simbahan sa buong Pilipinas. At isang kahanga-hanga ay…

Sementado ang halos lahat ng kalsada sa Ilocos Sur at Norte! 

 

*********

 

Sa Ilocos Norte, na tahanan ng mga Marcos, ay wala akong nakitang ibang election poster kung di ang kay Sen. Imee Marcos, Camille Villar at ilang posters ni Benhur Abalos at halos lahat ng naka-usap kong Ilokano, kasama na ang 4 na followers ko sa aking YT channel na na-meet ko, ay…

Iboboto nila LAHAT 11 kandidato ni PBBM.          

 

*********

 

Opisyal ng bumitaw si Sen. Imee Marcos sa Alyansa sa Bagong Pilipinas ni PBBM kaya’t 11 na lang ang mga kandidatong Senador na ini-indorso ni PBBM sa lahat ng lugar na nangangampanya ang Alyansa, kaya’t…

Wala ng pasanin pang Manang Biday si Ading PBBM.

 

*********

 

Wala ring kaibigan, KUNO,na nagngangalang Sen. Imee Marcos ang opisyal na inindorso ni VP Sara sa listahan ng 10 Senador na sinusuportahan ng  PDP at mga Duterte, kaya’t inaabangan na ng mga DDS at Loyalista ang paniguradong…

Pagbagsak ni Manang mula Langit tungo sa 2 ilog sa Lupa.

 

*********

 

At dahil nga sa patuloy na pagbagsak sa mga survey ni Sen. Imee Marcos ay patuloy na rin ang pag-alis ng kanyang mga staff kasama na ang isang magaling na PR manager na di na kayang pakisamahan pa ang isang nagga-galing-galingang entertainment direktor na may personal yatang galit sa Ading ni Manang at umaaktong adviser nga ng Manang ni PBBM. Sino nga naman ang gustong mawalan ng trabaho matapos ang eleksiyon kaya’t ngayon pa lang…

Bye-bye na Manang Biday, hello Tito Sen, Tito Ping, Kuya Wil!

 

*********

 

Mula Paoay, Ilocos Norte ay nagbiyahe kami ng misis ko, kasama aming son Lewis at magandang misis nyang si May at bff nilang si Clarence (co-pilot ni Lewis) patungong Tuguegarrao, Cagayan sakay ang ever-reliable Toyota van ng isa pa naming anak na si JR na nasa New Zeland. Nag-lalakihan at nagga-gandahang Windmills ang aming nakita along the…

The long and winding roads to Tuguegarrao.

 

*********

 

At finally, nadaanan at nakita ko na rin sa wakas ang world-class 1.2-Kilometer Patapat Viaduct sa Pagudpud, Ilocos Norte na ipinagawa pa nuon ng dating pangulo at ama ni PBBM na si Apo Lakay Ferdinand E. Marcos, Sr., ang…

Pinaka-magaling na Presidente ng Pilipinas.

 

*********

 

Sa mga daan naman papunta at pabalik sa Jaen, NE at Camiling, Tarlac, na mga sementado rin mga highways halos sa buong Tarlac, pero maraming lubak-lubak at sirang kalsada sa amin pang bayan sa Jaen, ay may mga Comelec Checkpoints na sumisilip sa lahat ng sasakyan. Magagalang at ayos magsalita mga PNP/Comelec officers.

Saludo ang bayan sa inyo, mga PNP Officers!

 

*********

 

Mga napalayang 17 OFWs na ikinulong sa Qatar dahil sa iligal na rally sa pagsuporta ke DDU30 na nakakulong sa The Hague, ay   puwede pang makapagtrabaho sa nasabing bansa o’ Umuwi na lang sa Pilipinas at mag-isip-isip kung…

Susuporta pa ke DU30 o’ ke PBBM na ‘nagpalaya’ sa kanila.  

 

*********

 

Linggo ng Palaspas bukas (habang tinitipa ko itong aking kolum) kayat pahinga na muna tayo at tayo pong mga sagradong Katoliko ay magtika muna at alalahanin ang mga Banal na Salita ng Diyos. 

Nagpapasalamat po ako ke Lord Jesus Christ at pinayagan Niya ako na abutan ng ‘Linggo ng Palaspas ‘dito sa Pilipinas after more than 7 years na wala ako rito sa ating bayan. 

 

*********

SHORT ORDER: ...Happy birthday in Heaven (April 6) to our  Inang Lourdes ‘Sabel’ Bachini-Moscare of Pao 2nd, Camiling, Tarlac, from your only daugther Frances Moscare-Datol, granddaugthers Mabel & hubby Edgar & children Nicole & Kyle D. Bello and Yeng & hubby Lenny & children Iyam and Yumi D. Tierra of Toronto, Canada and from all Bachini Family of Camiling, Tarlac….Happiest birthday (April 6) to my gorgeous niece Kayley Rae Datol-Tucker child No. 2 of my younger sister Mila Datol-Tucker & Bayaw Martin Tucker of Stanfford, England…Happy birthday to kabayang Douglas Javaluyas (April 8) of Jaen, NE…Happy birthday in Heaven Goldie Doromal-Datol (April 8)…Birthday Greetings to Maricel Diaz (April 8) of Toronto, Canada. God Bless.

SourceMon Datol
RELATED ARTICLES

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisment -
Google search engine

Most Popular

Recent Comments