Pahayag mula kay Premier Horgan at Parliamentary Secretary Lore para sa International Women’s Day

  • Page Views 525
  • VICTORIA – Inisyu ni Premier John Horgan at ni Grace Lore, ang Parliamentary Secretary for Gender Equity, ang sumusunod na pahayag para sa International Women’s Day:

    “Sa International Women’s Day, nais naming bigyang karangalan ang mga kababaihan, mga batang babae, two-spirit, at non-binary na mga tao sa ating province na napakadalas na nagiging haligi ng ating mga pamilya, mga kapitbahayan, at mga komunidad.

    “Ang mga nakalipas na taon ay naging napakahirap para sa lahat, pero lalo na para sa mga kababaihan. Ang mga kababaihan ay mas kadalasang naapektohan ng mga pagsusubok ng pandemya sa ekonomiya, at sila’y mas may malaking responsibilidad para sa home-schooling at caregiving kapag napuputol ang mga serbisyo. Marami rin ang naging biktima ng karahasan dahil sa kasarian sa panahon ng krisis.

    “Ang ating kasalukuyang recovery mula sa pandemya at mga kalamidad na may kinalaman sa klima ay dapat batay sa equity o pagiging pantay-pantay, habang kinikilala natin na ang mga sistemikong hadlang at mga di-pagkakapantay-pantay ay lumalakas kapag may mga emergency. Ito’y lalo na para sa mga Indigenous na kababaihan, women of colour, mga kababaihang may mga kapansanan, trans women, at mga táong nasa 2SLGBTQ+ community. Kami ay dedikado sa isang recovery kung saan kinikilala na tayo’y mas malakas kapag magkasama, at tayo’y pinakamahusay kapag walang naiiwan o kaya walang pinipigilan dahil sa kung sino sila.

    “Sa panahon kung kailan ang trans people, lalo na ang trans na kababaihan at mga batang babae, ay mas inaatake sa buong mundo, idinaragdag din namin ang aming boses upang sabihin nang malinaw na ang mga trans na kababaihan ay mga babae.

    “Nalalaman namin na ang access sa mahusay na child care ay mahalaga para sa kakayahan ng mga kababaihan na magtrabaho, matuto, at lumahok sa ekonomiya, kaya’t pinagsisikapan naming gawing isang pangunahing serbisyo ang mahusay na child care na maaasahan ng bawat pamilya. At gamit ang improved skills training initiatives, isinasara namin ang skills gap na naging dahilan kung bakit ang mga kababaihan ay hindi nakakakuha ng mga high-demand na trabahong may mataas na suweldo. Upang masigurado na ang trabaho ng mga kababaihan ay binabayaran nang sapat, ipagpapatuloy namin ang mga plano upang isabatas ang pay transparency legislation – sa unang beses sa B.C.

    “Gayunman, alam namin na pagdating sa equity, ang unang-unang kinakailangan ay kaligtasan at kalayaan mula sa karahasan. Walang sinuman ang makakarating sa kanyang buong potensyal kapag siya’y inaabuso. Ito ang dahilan kung bakit simula sa araw na ito ay magtatanghal kami ng engagement sessions na makakatulong sa amin na maghatid ng multi-year action plan hanggang sa katapusan ng 2022 upang tugunan ang karahasan dahil sa kasarian.

    “Ito’y itatatag sa mga inisyatibong isinasagawa na ngayon, tulad ng pagpondo sa community-based sexual assault response services na ibinigay noong 2020 at 2021, at sa bagong funding na inanunsyo sa Budget 2022 na magiging annual at magiging predictable. Ito’y magbibigay ng trauma-informed support na nakasentro sa biktima, upang tulungan ang survivors ng mga sekswal na panggagahasa habang sila’y dahan-dahang bumubuti.

    “Habang pinagsisikapan nating tugunan ang karahasang malapit sa tahanan, ang aming mga puso’y nahahabag sa mga táong kasalukuyang naghihirap at nasa lubhang mapanganib na sitwasyon dahil sa paglusob ng Russia sa Ukraine. Ang mga kababaihan, mga batang babae, at lalo na ang mga trans women, women of colour, at mga kababaihang may mga kapansanan ay nagdurusa dahil sa digmaan, at ang karahasan dahil sa kasarian ay kadalasang isang tool na ginagamit kapag may labanan. Dedikado kami sa kapayapaan at hinahatulan namin ang lahat ng mga anyo ng karahasan.

    “Magkasama nating lahat gagamitin ang ating mga pagkakataon upang itaguyod ang pagiging pantaypantay ng lahat at upang itaguyod ang karapatan ng lahat na mamuhay nang malaya sa diskriminasyon at karahasan, upang magtatag ng mas mabuting kinabukasan para sa mga kababaihan, mga batang babae, two-Spirit, at non-binary na mga tao sa British Columbia.”

    ([email protected])

    Share

    New Posts Recently publish post More

    • 20 November 2024
      1 day ago No comment

      Surrey Tree Lighting Festival welcomes Canadian Olympic Gold Medalist Phil Wizard on Nov. 23 Canadian artist and athlete to host breakdance demonstration

      Surrey, B.C. – The City of Surrey is proud to announce that Canadian breakdancer and 2024 Olympic Gold Medalist Philip Kim, also known as Phil Wizard, will host a breakdance demonstration at the 14th annual Surrey Tree Lighting Festival & Holiday Market at 4:30 p.m. on Saturday, Nov. 23. ...

    • Photo by the Canadian Armed Forces.
      14 November 2024
      1 week ago No comment

      How Filipinos contribute to Canada’s diverse military

      As one of the biggest racialized populations in Canada, Filipinos are helping build a diverse and inclusive society. Filipinos are found in almost every aspect of life in the country, including the military. In the lead-up to this year’s commemoration of Remembrance Day and Veterans’ Week, Statistics Canada on ...

    • 07 November 2024
      2 weeks ago No comment

      Marcos congratulates Trump

      President Ferdinand Marcos Jr. of the Philippines has congratulated Donald Trump for winning the November 5, 2024 U.S. presidential election. “President Trump has won, and the American people have triumphed. I congratulate them on their victory in an exercise that showed the world the strength of American values,” Marcos ...

    • Pope Francis addresses the crowd from the window of the apostolic palace overlooking St. Peter's square during the Angelus prayer on October 27, 2024 in The Vatican.
      04 November 2024
      2 weeks ago No comment

      Pope prays for Kristine victims in Philippines

      MANILA, Philippines — Pope Francis has offered prayers for Filipinos affected by Severe Tropical Storm Kristine. At Sunday’s Angelus address at the Vatican, the 87-year-old pontiff reportedly mentioned praying for the victims of Kristine. “I am close to the population of the Philippines, struck by a powerful cyclone. May ...

    • 04 November 2024
      2 weeks ago No comment

      Duterte: no apology, no excuses for drug war

      Former Philippine President Rodrigo Duterte on October 28, 2024 offered no apologies or excuses for his actions as he faced a Senate investigation into his widely criticized bloody war on drugs for the first time. Before reading his prepared statement during the hearing of the Senate blue ribbon subcommittee, ...