Heto na ang latest update ke dating Pangulong Rodrigo Duterte na nakitang sumakay na rin sa isang maliit na aircraft Martes ng gabi matapos maaresto sa NAIA at isang araw na pananatili sa Villamor Airbase.
Lilipad na si DU30 pa-Hague na tanging si Medialdea kasama.
**********
Heto nakalap pa natin: ‘According to publicly available data from flightradar24.com, the Gulfstream G550 aircraft with tail number RP-C5219, where Duterte was seen boarding, has a March 12 flight plan from Jebel Ali in Dubai to the Rotterdam Airport in the Netherlands. It has no available flight plan yet from Manila to Jebel Ali, as of posting.’
Wala ng kawala si Digong. Oblo rin bagsak ng Ama ni Sara.
**********
‘The said aircraft will reportedly bring him to the Hague, where he will face trial before the International Criminal Court (ICC), according to video footage shared on Facebook by retired police general Filmore Bondilles Escobal.’
Nag-iyakan sa tuwa ang pamilya ng mga namatay sa ‘Operation Tokhang’ ni DU30.
**********
Wala pang comments ang mga Paring Katoliko sa pagka-aresto ng ICC ke DU30 pero alam kong sa kanilang puso ay masaya sila dahil magkakaruon na ng hustisya ang libo-libong mga na-tokhang ni Digong, at…
Naaresto na ang nagmura sa Diyos ng walang patumangga.
**********
‘Duterte, 79, faces a charge of “the crime against humanity of murder”, according to the ICC, for the crackdown in which rights groups estimate tens of thousands of mostly poor men were killed by officers and vigilantes, often without proof they were linked to drugs,’ ayon sa kalatas mula sa ICC.
Napaka-bigat na mga kaso kontra DU30.
**********
Well, heto po unang kaganapan ng Inaresto ng International Criminal Police Organization (Interpol) Manila sa bisa ng warrant of arrest galing sa International Criminal Court (ICC) si dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte nuong Martes pagdating sa NAIA galing sa Hong Kong. Posibleng masabi ni dating Senador Leila de Lima na 6 na taong ipinakulong ni DU30 dahil sa umanong iligal drug case, na karma is real at…
Hindi lahat ng araw ay Lunes, ang kay Digong ay Martes.
**********
Bakit napa-aresto pa rin ng ICC si DU30 gayung kumalas na nga ang Pinas bilang miyembro ng nasabing international na samahan ng mga bansa nuon pang 2019? Simple. Miyembro pa rin kasi ang Pinas sa International Criminal Police Organization o’ Interpol at dito idinaan ng ICC warrant of arrest kontra DU30, kayat…
Yare at di nakapalag si DU30 sa NAIA.
**********
May mga suot daw ng body cam ang lahat ng mga otororidad na Pinoy na nagpatupad ng warrant kasama ang prosecutor general mula ICC na siyang nagbigay ng warrant of arrest ke DU30 ani PCO.
Para dokumentado todo-todo pag-aresto ke Duterte.
**********
At bakit daw hindi man lang naki-alam si PBBM gayung nuon pa man ay sinabi na ng Pangulong Marcos na hindi niya pahihintulutang pumasok sa Pinas ang ICC at arestuhin si DU30?
Interpol Po ang humuli ke Duterte hindi ang ICC, korekek?
**********
Ang latest news ke DU30 habang tinitipa ko itong artikulo ko ay kinakausap RAW ng otoridad ang dating Pangulo para isakay sa isang chartered plane kasama ang 3 representante niya para ilipad sa isang hindi alam na destinasyon na kahit si CIDG Chief dela Torre ay hindi talos ang lugar dahil hindi sakop ng kaniyang ranggo ang atas na yon.
‘Unknown destination’ ke Digong? Hala ka, Bato, kilos!
**********
Palagay ko ay sa isang malapit na bansang member ng ICC gustong ilipad at iditine si DU30 at duon umpisahan ang proseso ng pandinig ng kasong ‘crimes vs. humanity’ na kung saan higit sa 30K umano ang pinatay sa drug war ni Duterte simula pa nuong alkalde pa ng Davao City si Digong.
Aabangan natin kung maililipad ba paalis Pinas si DU30.
**********
Walang nagawa ang mga DU30 loyal supporters tulad nina Senators Bong Go, Bato dela Rosa, Robin Padilla at higit sa lahat, ang anak na si VP Sara ng arestuhin sa NAIA ang amo nilang kung magmura at magbintang ke PBBM ay sobrang wagas.
Ang anak na si VP Sara nga ay na in-inpeach na rin ng Kongreso.
**********
Apat pang malalaki at makapangyarihang tao na may existing arrest warrants mula sa ICC ay mga naka-upong lider pa o’ dating pinuno ng kanilang bansa nuong inilabas ang kani-kanilang warrant, tulad nina Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu at Russian President Vladimir Putin. Subalit laya pa sina Netanyahu at Putin pero…
Na-sakote na si DU30, ang 79-taong dating Pinoy Lider.
**********
Well, Ekis sa Malakanyang na ipagpatayo ng bantayog si dating Pangulong Rodrigo Duterte na nagbiro na naman umano na pedeng mag-kontribusyon ang OFWs ng 5Dollars para maipatayo siya ng rebulto sa tabi ni Dr. Jose Rizal. Pero ayon kay Palace Press Officer Undersecretary Atty. Claire Castro ay…
Taongbayan magsasabi kung sino dapat maging bayani.
**********
Base sa mga nagawa para sa bansa at mga mamamayan ang mga basehan para gawin bayani ang isang Pinoy at ipagpatayo ito ng rebulto at di yong pananaw ni DU30 na…
Isang sakong bato plas isang sakong semento ikuwals monumento.
**********
Sinabi ni DU30 sa talumpati niya sa HK, bago siya umuwi nga at maaresto sa NAIA, na dinaluhan ng maraming OFWs karamihan ay mga miyembro ng KOJC ni Pastor Quiboloy, na wala siyang kasalanan sa ibinibintang sa kanya ng International Criminal Court (ICC), eh, siya mismo ang umamin sa pagdinig ng House quadcom at Senado sa mga napatay sa drug war noong panahon niya. Siya nag-utos sa pagpatay sa Oplan Tokhang, pero, para sa kanya…
Walang kasalanan ang mastermind??? Nakngdragon!
**********
Inamin din ni DU30 na inatasan niya ang mga police officer na hikayatin ang mga suspek na lumaban para magamit itong self defense ng mga pulis, at di ba nag-alok pa ng malaking pabuya sa mga makakapatay ng tulak, users at drug lords? Well, mayroon namang due process kaya hayaan na lamang ang korte ang humusga sa mga nagyaring krimen noong DU30 Administration. At saka…
Nadale na nuong Martes sa NAIA ng ICC si DU30.
**********
Bago matapos ang Marso umano ay maglalabas ng desisyon ang Comelec sa disqualification cases kontra mga Tulfo na inakusahan ng political dynasty and for having been convicted of a crime of moral turpitude, sa kaso ni ACT CIS Party-list Rep Erwin Tulfo, na…
Convicted ng 4 counts of Libel na pinanigan ng SC September 2008.
**********
Inatasan na ni PBBM ng masusing imbestigasyon sa ‘tanim-bala’ modus sa NAIA matapos sibakin ng DOTr ang 3 empleyado ng OTS na nasangkot sa insidenteng umano’y balik-‘tanim-bala’ scam na nambiktima ng isang 69-year-old senior citizen mag-iinang patungong Vietnam nuong Marso 6.
Nakngdragon! Nagtanim na naman ng bala sa NAIA mga hudas, barabas, kepyas!
**********
P1 trilyong natatalo kada taon umano sa mga Pinoy na naadik na sa Philippine Inland Gaming Operators o ‘PIGO’ ani SP Chiz Escudero, na nakatanggap ng ulat mula sa mga insiders ng industriya na ang kabuuang taya ay maaring umabot sa pagitan ng Ph600Bilyon at Ph1Trilyon sa isang taon.
Nakngdragon Tol Reyfort! Tungaw lang pala ang POGO sa PIGO, ah!
**********
Ang nagsusugal sa POGO ay mga dayuhan, pero pinalayas pa rin sa Pinas lahat ng involved dito, samantalang mga Pinoy ang tumataya gamit kanilang cell phones thru apps ng mga PIGOS. Pambili ng pagkain ng pamilya itataya sa PIGO. Gutom pamilya ng sugarol.
Mas malala pa ito sa POGOs ah! Imbestigahan agad-agad!
**********
SHORT ORDER: Happy birthday to my friend MP Yaara Saks (March 9)… Happiest birthday my colleague Andy Sevilla (March 8)… Happy birthday to my SAA HS classmate Gloria Galang del Rosario of Jaen, NE (March 12)…Birthday greetings to our friend Mabel Adajar Cerezo of Toronto (March 12)…Birthday greetings to Dong Sabanal of Toronto (March 13)…Happy birthday to Honeyanne Ancheta Dabu (March 13)… Family friend Anne Cruz of Toronto celebrates March 14… Happy birthday to friend realtor from Toronto Ariel Santos (March 13)…Angel Ghem Trish Canada of Toronto celebrates March 14… Happy birthday to our pretty Kumare Armi Bersamin (March 16). God Bless.