Hapi Bertdey na ni dating presidente Rodrigo Duterte at 80 years old na siya sa Marso 28 at ito ay mangyayari sa The Netherlands.
Why is he spending his birthday abroad? Because he was arrested on the strength of the arrest warrant issued by the International Criminal Court (ICC) and brought to the detention cell at the ICC where he is being held in custody for charges of crimes against humanity. Duterte can now stand trial, be held accountable for the deaths of tens of thousands of victims during his so-called war on drugs, and hopefully (keeping faith), justice will be served.
Sigurado na maraming mga “hapi bertdey, tatay digong” rallies will be held by the family and supporters. Tiyak na sigurado rin na maraming mga mass action sa Pilipinas at overseas ang magaganap para salubungin ng “hapi bertdey” ang pinakabagong bilanggo sa ICC detention cell na dating Nazi prison complex. Bigla kong naisip. Naalala ba ninyo na ginamit ni Duterte ang genocide ni Hitler at mga Nazi bilang katwiran sa kaniyang Oplan Tokhang? Payabang na sinabi niya na “Hitler massacred three million Jews. Now there are three million drug addicts (in the Philippines). I’d be happy to slaughter them.”

Buti pa si Duterte, inabot niya ang bertdey niya. Ang mga pinatay sa kaniyang Oplan Tokhang, wala na silang bertdey. Hindi na sila tatanda pa. Kinitil ang kanilang mga buhay.
Pero may ka-bertdey si Duterte! Si Nanay Emily Soriano, ina ni Angelito, 16 years old, pinatay ng mga vigilante noong 2016. Nanay Emily will turn 56 this March 28. Sa panayam ng Rappler pagkatapos nabalita sa buong mundo na inaresto na si Duterte at dadalhin na sa ICC, sinabi ni Nanay Emily na makukuha na niya ang kanyang birthday wish.
“Ito ang wish ko, masaya ako na si Duterte ay makukulong (This is my wish, I am happy that Duterte will be in jail),” wika ni Nanay Emily Soriano.
At sa mga naniniwala o nahihila sa mga maling balita at mapanlinlang na impormasyon na kinakalat ng mga vlogger at kaduda-dudang midya na ito ay hoax o gawa-gawa lang (pero tuloy ang mga atake at pananakot sa mga pamilya ng mga EJK), ito po ang mungkahi ko.
Magbasa at magtanong, kausapin ang mga nanay tulad ni Nanay Emily, kausapin ang mga abogado nila at mga taong simbahan na tumutulong sa kanila, tignan ng isa-isa ang daan-daang mga litrato na kinuha ng mga photojournalist, at mag-isip. Huwag magmadaling maghusga. Alamin ang tunay ng mga biktima. Ang pinatay o ang pumatay.
Hapi Bertdey, Nanay Emily. Kasama po ako sa wish ninyo.