With her first romantic movie “My Perfect You” now out in theaters, Pia Wurtzbach said she wants to prove to everyone that she was deserving of her Best New Movie Actress win for “Gandarrapiddo: The Revenger Squad” in last year’s Metro Manila Film Festival. “I would think bago pa rin naman (akong artista) kasi ‘yung mga ginawa ko nung bata pa ako literal na isang eksena lang naman ‘yun.
“So hindi naman ‘yun ‘yung role na mabibigyan mo ng best mo. ‘Yung ‘Revengers’ talaga ‘yung una na mahaba. Laking tuwa ko naman na na-recognize ako for that. Parang na-feel ko din na kailangan ipakita ko na deserve ko ito, na hindi lang ako binigyan nun dahil maganda si Kweenie sa ‘Revengers’ or ‘yung Miss Universe ang gumanap ng role. Parang lalo pa akong ginanahan, actually,” she admitted.
She said shooting in a remote area in Zambales for “My Perfect You” was a very different experience. “Malayo talaga siya so ang ginagawa namin sinusulit na namin na tuwing nandun kami, mga naka-one week rin ako dun ng sunod-sunod. Ang maganda naman dun kasi pag gising mo, shoot na agad kasi nandun ka na sa location. Wala ng dadaanang traffic tapos hindi ka masyadong bibitaw sa character kasi nandun ka na sa location so hindi mo kailangan mag-warm-up dun sa role mo every time na mag-shu-shooting kayo. Parang pag gising ko, ako na si Abi. Pag hapon napakainit, tapos sa gabi ang lamig. Pero kahit na ganun, parang ang taas pa rin ng energy namin lahat. Napansin ko din ‘yun. Pagka-kailangan na mag-work, gising na kami lahat,” she recalled.
Being isolated with only the cast and crew was an advantage for the movie, she said. “Ang ganda nung location. Wala ngang signal dun. Ang ganda din ng ganun kasi wala ka sa phone mo so mag-ku-kuwentuhan kayo, nagiging mas close kayo ng mga kasama mo. Close na rin kayo sa lahat ng production. Tapos may sense of family na rin sa lugar kasi kayo-kayo lang nandun eh. Mag-ba-bonding kayo so kayo kayo rin magtu-tulungan. Tapos ang feeling ko rin na dun na ako nakatira. Minsan tumalon rin ako sa tubig at nag-swimming swimming,” she said.
Although her work schedule won’t allow her to do a teleserye this year, Pia Wurtzbach admitted she is definitely open to doing more movie projects.
“Oo naman, bakit hindi? Nandito na ako and I’m always up for a new challenge. Itong movie pa lang na ito, parang excited ako. Masasabi kong na-challenge rin ako kasi meron akong mga nagawa dito na hindi ko talaga inakala na kaya kong gawin. Siyempre, may mga eksena sa movie na dramatic. Gina-guide naman ako ni Direk pero ‘yung anticipation, ‘pag kukunan na, iniisip ko, ‘Lord sana magawa ko talaga.’ Tapos mini-memorize ko na ‘yung script the night before pa lang, para talagang maisapuso ko na talaga. Gusto kong galingan talaga and if not, then I want people to see that I am trying. I’m really, really trying. I’m not just doing it kasi kumportable ako, okay na ‘yan, tatanggapin naman nila dahil Miss Universe naman. Hindi. Kailangan dapat parang na-earn ko siya. Ganun,” she explained.