Friday, April 4, 2025
spot_img
HomeThe Tall Order: VP Sara ‘di magre-resign, binalewala impeachment; Erich Sylvester Tulfo...

The Tall Order: VP Sara ‘di magre-resign, binalewala impeachment; Erich Sylvester Tulfo me laglag?

Walang plano si VP Sara Duterte na bumaba sa puwesto sa kabila nang pag-usad ng impeachment complaint laban sa kanya sa kongreso dahil umano…

Mas masakit pa iniwan ng jowa keysa ma-impeach.

**********

Sa June 2 pa pwedeng pag-usapan ang impeachment trial ni VP Sara matapos ang midterm elections na kung saan posibleng magkaruon ng mga bagong halal na senador, pero ani rin ni Senate President Chiz Escudero ay…

Pedeng magkaruon ng special session kahit break Senado.

**********

Tanging ang Presidente lang ang pwedeng tumawag ng special session sa Senado KUNG aamyendahan ang 2025 budget ng bansa o’ magre-request ang Senado para ituloy ang impeachment ni VP Sara, pero…

Hindi magre-request ng special session ang Senado, say Chiz.

**********

Ani VP Sara sa media kamakalawa, na bagamat hindi pa rin naman nagko-convene ang impeachment court at kung maaaring hindi siya dumalo dito ay hindi na siya dadalo pa kasi baka raw ma-intimidate lang sila lahat sa presence ko doon. Ha? Bakit?

Nakngdragon ‘Tol Reyfort! Takot ba mga Senador ke Sara???

**********

16 na members ng 24 ng naka-upong Senador o’ 2/3 ang kailangang bumoto pabor sa impeachment kontra isang naka-upong mataas na opisyal ng gobiyerno para masibak sa pwesto ang high-off na ito, kaya nga ang tanong ay, KUNG matuloy bigla ang Senate Trial kontra VP Sara…

Sino ang 8-10 Senador ang magpapanalo ke VP Sara?

**********

Numero Unong supporter ng mga Duterte sina Senators Bong Go at Bato dela Rosa, kasama sina Robin Padilla, Francis Tolentino, mag-inang Mark Villar, Cynthia Villar, at Imee Marcos.

Magnificent 7 daw yan, pero, Lucky 9 labanan sa mesa, err, Senado pala.

**********

Re-electionists sina Senators Bato, Bong Go, Francis Tolentino at Imee Marcos at tapos na term ni Mader Cynthia Villar at kailangan nilang manalo ulit sa May 12 elections para mabalik ang power nila sa bayan at Senado. Ang malaking tanong…

Iboboto nyo ba ulit sina Bato, BongGo, Tol at Imee? Ako? Dehins na Po.

**********

Erwin Tulfo nagpaliwanag sa ‘di pagpirma sa impeachment complaint ni VP Sara dahil iniiwasan daw niyang magkaroon ng bahid ang kanyang hatol lalo na kung manalo siya sa 2025 senatorial elections at maging “senator-judge” sa paglilitis.

Ganyan kayabang, err, ka-confident si Erich Sylvester Tulfo.

**********

Consistent kasi sa halos lahat ng mga survey sa Pinas na nasa Top 1-2 si Cong Erich S. Tulfo, err, Erwin T. Tulfo nga pala dahil pinayagan ng Comelec pumalit bilang Nominee #3 si Erwin Tulfo sa ACT-CIS Partylist ng di ito makalusot sa Appointment Commission bilang Secretary ng DSWD dahil siguro…

Sa isyung American citizen pa raw si Erich Sylvester Tulfo nuong ma-appoint ni PBBM sa DSWD.

**********

Ang di-kapanipaniwala sa mga statements ni Cong Erich, err, Cong Erwin nga pala ani Comelec Chair George Garcia, ay yong tungkol sa inamin nyang 10 years syang undocumented Pinoy worker sa Tate at sari-saring trabaho pinasok nya…

Para kumita sa pagkain at paga-aral ng 10 anak sa ibat-ibang babae.

**********

Sinong maniniwala ke Erich Sylvester Tulfo gayung iba naman sinabi nya sa interview sa kaniya ni actress Sharon Cuneta na naging American Army man sya sa US! Undocumented Pinoy immigrant na naging member ng US Army??? Unbelievable!!!

Nakngdragon Mareng Zendang! Kung hindi grabeng kasinungalingan naman yon ni Erwin T. Tulfo, eh, ewan ko kung ano yon!

**********

At paanong ipapaliwanag ni Cong Erwin T. Tulfo yong pagkakaruon nya ng US Passport sa name na Erich Sylvester Tulfo na ipinanganak sa Hawaii with his foto at na-renew yata nya ng 2X kung hindi sya nangloko ng tao o’ gobiyerno, na ginamit nya yata sa pagbiyahe pa pauwi sa Pinas from Tate? KUNG si Alice Guo ay nakakulong ngayon dahil sa fake birth certificate at pekeng passport, bakit kaya si…

Erich Sylvester Tulfo ay nakaka laya at naging Cong Erwin pa??? Onli in da Pilipins??? Boom, panis!

**********

At paano kaya ginawa ni Erich S. Tulfo, err, Erwin T. Tulfo nga pala, na mapapunta, o’ ma-petition ang anak nya mula Pinas to the US, kung undocumented immigrant sya sa America???

Nakngdragon! Anong power kaya meron talaga si Erwin Tulfo?

**********

Nuong di ko pa natatalos ang lahat tungkol ke Erwin Tulfo ay talagang No. 3 sya sa listahan ko sa pagka-Senador para sa May 12, 2025 midterm election sa Pinas sa ilalim nina No. 1 Tito Sen Sotto at No. 2 Ping Lacson, pero matapos mabunyag ang halos lahat ng maling ginawa at kasinungalingan ni Erwin Tulfo ay damay na rin utol Ben nya kayat nasa inyo na Po kabayan kung iboboto pa nyo mga Tulfo sa Mayo dahil….

Laglag na mga Tulfo sa listahan ko sa 12 Senatorial slots.

*********

Tinanggap ni AKBAYAN Partylist Cong. Perci Cendana ang paumanhin o’ pag-sorry ni Sen. Bato dela Rosa sa ginawa nitong ‘pangi-insulto’ sa kanya na isang stroke survivor kayat natabingi ang kaniyang mukha. Sa palagay ko rito eh…

Kung hindi lang election, never magso-sori si Bato. Yon lang.

**********

At dahil tinanggal ko na sa listahan ang magkapatid na Ben Tulfo at Erich Silvester Tulfo, ang bago ko pong listahan para sa May 12 election sa pagka-Senador ay sina: 1. Tito Sen Sotto 2. Ping Lacson 3. Willie Revillame 4. Manny Pacquiao 5. Pia Cayetano 6. Bong Revilla 7. Francis Pangilinan 8. Aby Binay 9. Benhur Abalos, yong 10-12 ay…

Pagi-isipan pa po natin yong last 3 meyn standing.

**********

Provincial election po namin dito sa Ontario at sa February 27, 2025 ang botohan. Pebrero 20-22 naman early advance voting. Kung bukas gagawin botohan ay for sure na at…

Banderang tapos ang PC ni Premier Doug Ford.;

**********

SHORT ORDER: Happiest birthday greetings to our Ditseng Baby Datol-Lei (Feb. 6) and Bayaw Vic Lei (Feb. 15) of Jaen, NE, Pilipinas. Pagdating ko dyan ang handa! hehehe… Happy birthday (Feb. 9) to Tio Oscar Velarde of Burbank, California…Happiest birthday to close family friend Dely Duding (Feb. 9) of Ashford, Kent, GB…Birthday greetings to Flora Decelis (Feb. 9) of Richmond Hill, ON… Happy birthday (Feb. 9) Rmj Ancheta of Bulakan, Bulacan…Happiest birthday (Feb. 8) to a very dear friend Roberto Valdez of Surrey, BC…. Happy birthday (Feb. 10) to a dear friend Gabriel ‘Bebot’ Elorde, JR.,, Bithday wishes to kabayan Benru Garcia (Feb. 11) … Happy birthday (Feb. 11) to my pretty apo Kait Mae Datol of Tampa Bay, Florida, USA. God Bless.

By Mon Datol

RELATED ARTICLES

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisment -
Google search engine

Most Popular

Recent Comments