Wednesday, April 2, 2025
spot_img
HomeThe Tall Order: DQ vs Tulfo brothers hahatulan sa Marso; election survey...

The Tall Order: DQ vs Tulfo brothers hahatulan sa Marso; election survey rerendahan na ng Comelec

Sinabi kahapon ni Comelec Chairman George Garcia na ilalabas nila agad ang kanilang desisyon sa disqualification case laban sa limang (5) miyembro ng pamilya Tulfo kaugnay ng 2025 elections sa ikalawa o ikatlong linggo ng Marso. Pero, kailangan umanong..

Reresolbahin lang nila muna ang technical issue ng DQ.

**********

Isang Virgilio Garcia ang nagsampa sa Comelec ng disqualification case noong Pebrero 17 laban sa magkapatid na sina senatorial candidates Erwin Tulfo at Ben Tulfo, at tatlo pang miyembro ng pamilya Tulfo at iginiit sa petisyon ang usaping “political dynasty”.

Oo nga naman, hane? Tatlong Tulfo sa Senado pang nanalo sina Erwin at Ben Bitag Tulfo.

**********

Ani pa Chair Garcia ay pasasagutin ang mga Tulfo limang araw matapos matanggap ang summons at pagkatapos submitted for decision na agad umano ‘yung kaso.

Aba, mukhang mabilis madedesisyunan DQ ng mga Tulfo ah!

**********

Bukod kina Ben Bitag Tulfo at Erwin ‘Erich Sylvester’ Tulfo, kasama sa disqualification petition sina ACT-CIS Partylist Cong. Jocelyn Pua-Tulfo (wifey ni Sen. Raffy Tulto), QC Dist. 2 Cong. Ralph Wendel Tulfo (anak ni Raffy at Jocelyn Tulfo) at former Tourism Sec. at Turismo Partylist Candidate Wanda Tulfo-Teo (sister nina Raffy, Ben at Erwin Tulfo).

Nakngdragon Tol Reyfort! Senado at Kongreso target ‘kontrolin’ ng mga Tulfo ah!

**********

Diretsahan naman ang naging sagot ni Sen. Raffy Tulfo sa mga akusasyon ng “political dynasty” sa kanilang pamilya. Ani Sen. Raffy sa kandidatura bilang Senador nina Ben Bitag Tulfo at Erwin aka Erich Sylvester Tulfo ay…

Kung ayaw n’yo, don’t vote for them. Di huwag.

**********

Tama na sakin si Sen. Raffy Tulfo sa Senado at kung manalo sa DQ case sa Comelec mga utol niya ay ok sakin si Ben Bitag Tulfo keysa ke Erwin aka Erich Sylvester Tulfo, na grabeng kasinungalingan ginawa hinggil sa pag-TNT niya sa US; pagkakaruon ng US passport; pagiging US Army man etc., kung pede nga lang ay tig-isa lang Senador kada pamilya, at max yong…

Dalawang mag-utol sa Senado! 3 is too much.

**********

At dahil tinanggal ko na sa listahan ang magkapatid na Ben Tulfo at Erich Silvester Tulfo, ang bago ko pong listahan para sa May 12 election sa pagka-Senador ay sina: 1. Tito Sen Sotto 2. Ping Lacson 3. Willie Revillame 4. Manny Pacquiao 5. Pia Cayetano 6. Bong Revilla 7. Francis Pangilinan 8. Aby Binay 9. Benhur Abalos at yong 10-12 ay…

Pagi-isipan pa po natin yong last 3 meyn standing.

**********

Matindi ang pagtutol ng napakarami nating mga kababayan sa ilang angkan ng mga politiko na tumatakbo sa Senado at sa Mababang Kapulungan ng Kongreso at hindi rin umano katanggap-tanggap ang rason ng mga kandidato na ang taumbayan ang may gustong maupo o maluklok sila sa poder kaya kumakandidato sila.

No choice botante eh, pang-mayaman pulitika sa Pilipins.

**********

Inanunsiyo ng Comelec nitong Huwebes, Pebrero 20 na dapat nang magparehistro ang lahat ng survey firms sa poll body sa panahon ng eleksyon at tanging mga pre-registered entity lang ang may pahintulot na magsagawa at maglathala ng mga survey sa halalan. Ayos na ayos ang aksiyon na ito ng Comelec dahil me mga lumalabas na survey na…

Kahit sa panaginip, di mo paniniwalaan!

**********

Ayon sa Resolution No. 11117 na inaprubahan ng Comelec: “During the election period, any person, whether natural or juridical, candidate, or organization that conducts and publicly disseminates an election survey must register with the Political Finance and Affairs Department of the Commission.”

Ok to, Chair Garcia, magkaka-alamanan na bayarang survey.

**********

Inatasan naman ng Comelec ang kanilang Education and Information Department na lumikha ng verification mechanism “to authenticate election survey results and prevent the dissemination of fraudulent surveys falsely attributed to legitimate pollsters.” Sa wakas…

Wala ng lalabas na fake na survey results sa Pilipins! Sana nga.

**********

Inatasan ng Korte Suprema ang Senado na maghain sa loob ng 10 araw ng komento sa petisyong inihain ni Atty. Catalino Generillo Jr na humihiling na kaagad nitong simulan ang impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte.

Pero parang ayaw talaga ni SP Prexy Chiz sa trial ni VP Sara.

**********

Kukunsultahin naman daw ni SP Chiz Escudero ang mga kapwa senador para pulsuhan ang mga ito sa hirit na magpatawag ng caucus para simulan na ang impeachment trial kay Vice President Sara Duterte sa buwan ng Marso. Pero hanggang tawag-caucus lang gagawin ni Chiz dahil…

Tablado na ke Escudero trial ni Sara ngayong naka-recess na Senado.

**********

Una nang sinabi ni Escudero na maaaring maaksyunan ng Senado ang Articles of Impeachment sa pagbabalik ng sesyon nito sa Hunyo 2, o’ matapos na ang SONA ni PBBM sa Hulyo 21. Para ano pa na naging Pinuno ng Mataas na Kapulungan, kung di masusunod…

Ang gusto ni Escudero na Pangulo ng Senado?

**********

Nagbibiro lang daw si dating Presidente DU30 nang sabihin nito sa isang campaign rally ng PDP-Laban sa San Juan noong nakaraang linggo na papatayin ang 15 senador para sure na makapasok ang mga kaalyado niyang senador. Bukod sa sinabing papatayin, may sinabi ring pasasabugin ang dating Presidente. Ng kasuhan ni General Dela Torre si Digong hinggil sa pagpatay sa 15 Senador, e…

Joke lang daw yon ani Panelo at Bato.

**********

Hindi naman bawal magbiro sa Pinas, pero kung ang biro o banta ay tungkol sa pagpatay o pagpapasabog gaya ng binanggit ni Duterte sa rally, may batas na nakakasakop dito. At sa ilalim ng Presidential Decree No. 1727 (Anti-Bomb Joke Law) aarestuhin at nahaharap sa pagkakakulong ng limang taon ang sinumang lalabag sa batas. At dapat lang ay …

‘No one is above the law.’

**********

Pero may “butas” ang batas sa Pinas dahil ang mga karaniwang mamamayan lamang ang nahaharap sa kaparusahan at hindi ang matataas na opisyal ng pamahalaan gaya ng dating Presidente, na hitik sa mura, pagpatay at pananakot sinasabi at kapag me mga kumuwestiyon sa masamang salita niya ay…

Biro lang daw yun ni Digong. Joke lang ng ex-Pres.

**********

Sa ating bansang Pilipinas, ordinaryong mamamayan na nagbibiro ang nakukulong. Gaya halimbawa ng ginawang pagbibiro ng isang matandang babaing naka-wheelchair noong Agosto 2024 sa Daniel Romualdez Airport sa Tacloban City na may laman umanong bomba ang kanyang bagahe. Ayon sa report, malapit nang mag-takeoff ang eroplano nang sabihin ng babaing senior citizen sa flight attendant na kaya mabigat ang kanyang bagahe ay dahil bomba ang laman nito. Bilang bahagi ng SOP, ay sinuspinde ang ang boarding at…

Inaresto at kinasuhan ang matandang babae.

**********

Kinasuhan ni PNP-CIDG chief Police Brigadier General Nicolas Torre III ng ‘inciting to sedition at unlawful utterance’ si dating pangulong Rodrigo Duterte kaugnay ng kanyang pahayag na “pagpatay” laban sa mga incumbent senators.

Di pwede mga ganyang pagbabanta sa Bagong Pilipinas, ani BGen. Torre.

**********

Ayon kay Torre, hindi magandang magbitiw ng salita na kinalaunan ay sasabihing “biro” lamang, dahil maaaring seryosohin ng mga tagasuporta ng dating pangulo ang kanyang sinabi tulad na rin ng kanyang deklarasyon sa war on drugs. “Nangyari na ‘yan eh, diba? Sabi niya pagpapatayin ang mga adik. Nangyari nga. Marami ngang nagpatayan, ani pa BGen. Torre.

Biro ba yong mahigit 30K namatay sa Tokhang ni DU30?

**********

Nilinaw ni Torre na ang kanyang pagsasampa ng kaso laban sa dating pangulo ay bilang CIDG director, Filipino citizen at bilang isang pulis. Itinanggi rin ni Torre na mayroon siyang political motive. Aniya…

Labas na ito sa pulitika. Pramis. No Joke.

**********

Provincial election po namin dito sa Ontario at sa February 27, 2025 ang botohan. Kung bukas gagawin botohan ay for sure na at…

Banderang tapos ang PC ni Premier Doug Ford.

**********

SHORT ORDER: Happy birthday to PhilStar vet Fotog Jun Mendoza (Feb. 20)… Bday wishes to Editor Sir Pat Sigue (Feb. 21)…Birthda greetings to Maria Geroche of Toronto (Feb. 21)…Happy birthday to Sportsman Jude Torcuato (Feb. 24)…Happy birthday sister Nenita Ablaza (Feb. 25)…Happy birthday kabayang Nestor Balagtas of Jaen, NE (Feb. 26).. God Bless.

By Mon Datol

RELATED ARTICLES
- Advertisment -
Google search engine

Most Popular

Recent Comments