Bongbong Marcos, Jr. na gawaran na ng presidencial clemency si Mary Jane Veloso ilang araw matapos nakabalik sa Pinas mula Indonesia ang Pinay na nahatulan ng bitay dahil sa iligal na droga. At sa tingin ko, dahil wala namang naging kaso sa Pinas si Velascco ay paniguradong makakalaya si MJ Velasco…
Hintayin lang ng Velasco Fam ang biyaya mula PBBM.
**********
Malayo pang mabigyan umano ng clemency ni PBBM si Mary Jane Veloso dahil ayon mismo sa Pangulo sa isang ambush interview sa Pasay City kamakalawa ay kailangang pag-aralan muna ang estado ni Veloso at ipinauubaya na niya sa legal experts kung karapat-dapat na bigyan ng clemency si Veloso. Basta ang importante…
Buhay at nasa Pinas na si Mary Jane Velasco.
**********
Ayon sa isang kaibigan kong abogado sa Pinas ay kailangan talagang pag-aralan mabuti ang kaso ni Velasco dahil ibang klase ito dahil nga sa Indonesia nagka-kaso at na-convict si Mary Jane at wala ngang naging kaso sa Pinas ng umalis ito bilang isang OFW, so…
Paano bibigyan ng pardon si Velasco kung walang naman naging kaso o’ conviction sa Pinas?
**********
Yan ang dahilan kung bakit sinabi ni PBBM na ibibigay niya sa mga legal experts ang kaso ni MJ Velasco para pag-aralan dahil nga sobrang kumplikado ang isyung ito kahit ibinigay na ng Indonesia sa Pinas kung ano gagawin sa kaso ng Pinay OFW. Sa Pinas…
Kung walang kaso, laya ang tao, pero iba kaso ni Velasco.
**********
Dahil sa Indonesia umano na-convict si Velasco, dapat daw ay ang Indonesian President ang nagbigay o’ magbigay ng clemency ke Mary Jane bago pinabalik sa Pinas, dugtong pa ng kaibigan kong abogado. Kaya ang nangyari raw ay parang…
Deportation lang ang nangyari ke Velasco? Abangan.
**********
Wala akong masamang tinapay sa Migrante International na nagsusulong na tawagin o’ gawing bagong bayani ng lahi si Mary Jane Velasco dahil isa itong OFW na naging ehemplo ng mga Pinoy sa paglaban sa karapatang pantao sa ibang bansa. FYI, Migrante International…
Lahat naman ng milyong OFWS ‘bagong bayani’ ng lahi, eyh?
**********
Well, kung masaya ang napakaraming Pinoy sa darating na Pasko at Bagong Taon, super lungkot at iyak ang dating Bamban, Mayor Alice Guo dahil sa piitan magpa-Pasko si…
Guo Hwa Ping ang pekeng Pinoy.
**********
Ibinasura ng Pasig City Regional Trial Court (RTC) Branch 167 ang hiling ni Guo Hwa Ping a.k.a Alice Leal Guo, kasama ang anim pang akusado.nuong Biyernes na makapagpiyansa sa kinakaharap na kasong qualified human trafficking dahil sa lakas ng ebidensya sa kaso.
Walang piyansa ang nasabing kaso.
**********
Pinaboran naman ng hukuman ang petisyong makapagpiyansa ng dalawa pang akusado sa kaso na sina Jaimielyn Santos Cruz at Maybelline Requiro Millo, dahil sa mahinang ebidensiya laban sa kanila.
Patas talaga batas sa Pinas.
**********
Diretso ang takbo sa pagka-senador ni Apollo Quiboloy bilang Independent candidate kahit na nakakulong pa ito sa Pasig City jail matapos ibasura ng Comelec ang petisyon kontra sa founder ng KOJC nuong Biyernes. So…
Tuloy ang ligaya ni PACQu kahit nasa selda.
**********
Pinakakasuhan ng House of Representatives quad committee sina dating Presidente Rodrigo Duterte at Senators Ronald “Bato” dela Rosa at Bong Go ng crime against humanity. Kaso ito tungkol sa…
Extra judicial killing o’ EJK ng Duterte administration.
**********
Nagulat si Senator Go kung bakit isinama siya sa kakasuhan pero sinabi naman ni Dela Rosa na hindi na bago ang mga isinampang kaso sa kanila at demolisyon aniya ito sa pamilyang Duterte para hindi na makabalik sa pulitika.
Nakngdragon ‘Tol Reyfort, me magnanakaw bang umaming magnanakaw sya?
**********
Sabi naman ni PBBM na busisiing maigi ng Department of Justice (DOJ) ang isasampang kaso kay Duterte dahil noon pa, tahasang nagpahayag ito na huwag nang kasuhan ang dating Presidente sa kabila na nagpahayag ng mga maanghang na salita si Duterte kay Marcos. Pagtanaw ng utang-na-loob, o’ talaga lang na…
Masyadong gentleman si PBBM.
**********
Naniniwala ba kayo sa mga political surveys? Kung believers kayo, tulad ng maraming Tulfonatics, eh, heto para sa inyo. Dalawang Tulfo ang posibleng maging Senador matapos ang midterm elections sa Pinas sa Mayo 2025 dahil pasok sa Top 5 ang mag-utol na sina Erwin at Ben Tulfo sa latest survey ng Pulse Asia na ginawa nuong November 26 at December 3, 2024, kayat…
Mabubuhay muli ang 3T sa Senado nga lang.
**********
Sa survey, Top 1 si ACT-CIS Rep. Erwin Tulfo (62.2%); No. 2 si former Senate president Tito Sotto III (59.2%) kasunod sina Sen. Bong Go 54.7%; broadcaster Ben Tulfo 52.7%; Sen. Pia Cayetano 46.5%; Manny Pacquiao 45%; Ping Lacson 44.1%; TV host Willie Revillame 43.6%; Bong Revilla Jr. 43.5%; Makati City Mayor Abby Binay 40.1%; Senators Lito Lapid 39.2%; Imee Marcos 37.5%; Sen. Bato Dela Rosa (36.9%) and Las Piñas City Rep. Camille Villar 36.5%. Yan ang Top 15 ng Pulse Asia survey, ako, personal na dadalhin ko sina…
Tito Sen Sotto, Ping Lacson, Lodi Manny Pacquiao, kasin Willie Revillame at Ka Ben Tulfo. Saka na yong 7 pa. Ayos ba, Abay Mario & Jojo Cruda?
**********
SHORT ORDER: Happy wedding anniversary to Tol Reyfort at Mare Cely Fortaleza today, December 22, 2024 from the whole Fortaleza clan & Mano Po Nanay Luring Fortaleza!…. Happiest birthday today, December 22, 2024, to Tita Cecille Araneta of Mississauga, GTA, ON, from hubby Ed Que & this writer and Family & TOMz Radio Fam of Toronto…. Merry Christmas Po sa Lahat ng Pilipino saan man kayo naruruon! God Bless.