Thursday, April 3, 2025
spot_img
HomeFeaturedThe Tall Order: Angat si Doug Ford sa gagawin 'snap' Ontario election;...

The Tall Order: Angat si Doug Ford sa gagawin ‘snap’ Ontario election; Korte pumabor ke Vic Sotto; Impeach Sara wala na

Umpisa na ng kampanya ng mga Member of the Provincial Parliament (MPP) sa gaganaping ‘snap election’ dito sa Ontario matapos ipasara ni Premier Doug Ford ang Legistrature Miyerkules, January 27, para sa eleksyon sa Pebrero 27.

Nakngdragon, Mareng Zendang, ang agang tumahol ni Doug!

**********

Natuliro ang Liberal Party, NDP at Green Party sa agarang pagtawag ng provincial eleksiyon ni Premier Ford gayung sa June 2026 pa ang scheduled polls ng probinsya. Kung ako rin si Doug Ford ay sigaw na agad ng snap polls, eh, bakit nga, eyh sobrang…

Angat 47-24-17-7 sa survey ang PC ni Ford sa LP-NDP-GP.

**********

Gusto raw ni Doug Ford ng bagong mandate mula sa Ontarians sa paglaban niya at ng probinsiya sa gagawin ng US na patawan ng mataas na 25% Tariff ang Canada. na kung saan grabeng tatamaan ang ekonomiya ng Ontario.

Okay, Ok, Mabuhay ang Super Doug ng Ontario!

**********

Pinatatanggal na ng Muntinlupa RTC ang teaser video ng pelikulang ‘The Rapists of Pepsi Paloma’ sa lahat ng online platforms tulad ng YouTube, FB at iba pa matapos…

Pumabor ang korte ke Vic Sotto kontra Direk Daryl Yap.

**********

Sinabi pa ni Atty. Enrique “Buko” dela Cruz, legal counsel ni Bossing Vic, na mayroon pa silang cyber libel complaint laban kay Direk Yap na kung saan maaari nilang hilingin na pigilan pa ang pagpapalabas ng pelikula sakaling umabot na sa korte ang usapin.

Umpisa na ng dilema ni Yap kahit pinayagan ilabas pelikula.

**********

Dudulog din umano sina Atty. dela Cruz sa MTRCB para pigilan ang showing ng nasabing pelikula sa mga sinehan sa buong bansa na kung saan kailangan kumuha nga ng permit si Direk Yap sa nasabing ahensiya na kung saan ang namumuno ay pamangkin ni Bossing Vic.

Nakngdragon, Tol Reyfort! Bukol aabutin ni Yap sa MTRCB.

**********

Ang pinakamabigat na laban ni Direk Yap ay ang 19 counts na cyber libel cases na isinampa ni Bossing Vic na kung saan Ph35Milyon damages hinihingi ng beteranong actor/host maliban pa sa kulong na aabutin ng batang direktor dahil…

Kriminal ang kasong cyber libel sa Pinas. Abangan.

**********

Balitang ibebenta raw ni Direk Yap ang Pepsi Paloma movie niya sa Netflix at/o iba pang livestreaming apps KUNG di makakapasa sa MTRCB para ilabas sa mga sinehan sa Pinas, aba ok yon dahil me pambayad na ke Bossing Vic si Direk pag natalo sa kaso dahil balitang …

Milyon daw mag-presyo ang Netflix sa pagbili Pinoy movies.

**********

Ph132Milyon ang ginastos ng COMELEC sa sinirang balotang kanilang unang inimprenta para sa May elections dahil sa inilabas na TRO ng Sumpre Court na nag-aatas ngang isama ang pangalan ng 5 kandidato na unang diniskuwalipay ng ahensiya bilang ‘nuisance,’ pero itutuloy ng Comelec pag-impreta 71-milyong balota ngayong Lunes, Enero 27…

Ke me TRO o’ wala galing SC.

**********

Paano kung biglang maglabas ulit ng TRO ang SC Martes o’ Miyerkules at atasang isama pangalan ng isa o’ dalawa pang kandidato sa senatorial race tulad ni Dr. Eng. Toto Causing na inapela nga sa SC ang nuisance candidate decision ng Comelec? Kaya bang…

Abonohan ni Comelec Chair George Garcia Ph132Milyon gastos sa masisirang balota na naman?

**********

Dapat siguro inagahan ng Comelec ang filing ng COC ng lahat ng tatakbo sa 2025 midterm elections para mahaba oras nilang pag-aralan at desisyunan kung sino-sino nuisance candidates at para me oras pa rin ang SC para dinggin ang apela ng mga diniskuwalipika nga ng election body, at di yong…

Ura-urada pag-impreta ng balota kahit me SC TRO na.

**********

Well, lumiham na sila sa Korte Suprema upang ipabatid dito na ipagpapatuloy na nila ang pag-iimprenta ng balota ngayong Lunes, kahit pa batid nilang may mga nakabinbing pang petisyon sa Mataas na Hukuman at tiniyak din ni Chair Garcia na magdodoble kayod ang poll body upang matapos ang ballot printing sa target date nito.

Sana nga wala ng aberya pag-imprenta balota dahil pag sumablay pa, me masisibak sa Comelec!

**********

Ginunita ng Philippine National Police ang ika-10 taon nang karumal-dumal na pagpatay sa 44 na miyembro ng SAF commandos na tinawag ng PNP na Araw ng Pambansang Pag-alala na isinagawa sa PNPA Grandstand sa Camp Gen. Mariano Castañeda, Silang, Cavite.

Hustisya para sa SAF 44, asan na?

**********

Minasaker ng mga rebeldeng MILF at BIFF ang SAF 44 na nagsilbing blocking force sa mga sumalakay sa kubo ng Indonesian terrorist na si Marwan sa Mamasapano, Maguindanao. Napatay ng SAF si Marwan, pero, sa 7 oras na bakbakan ng SAF 44 sa MILF at BIFF…

Wala umanong ipinadalang tulong ang AFP sa SAF 44.

**********

Walang pang naging closure sa karumal-dumal na pagpatay. Sa kabila na 10 taon na ang nakalilipas, umaasa pa rin ang mga naulila ng SAF 44 na makakamit pa rin nila ang hustisya.

Kung paano, isang malaking katanungan.

**********

Maraming kongresista ang takot na isulong ang impeachment kay VP Sara Duterte dahil sa pangambang hindi sila iboboto ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (INC) na nagpakita ng pwersa nuong Enero 6 sa kanilang National Peace rally sa Luneta Grandstand.

Nabahag ang buntot ng mga kandidato ni PBBM?

**********

Milyones ang INC voting-members sa buong bansa at block voting ang ginagawa nila tuwing eleksiyon kayat takot mga kongresistang suwayin o’ banggain ang INC o’ ang sino mang sinusuportahan nito, kayat sinasadya ng mga re-eleksiyonista na gawing…

Usad-pagong mga inihaing impeachment kontra Sara.

**********

Gusto ng maraming kongresista na tapusin na muna ang midterm elections bago pagtuunan ng pansin ang pag-impeach kay Sara dahil kung ipakikita raw nila ang pagsusumikap na ma-impeach si Sara ay…

Paniguradong masi-zero sila sa INC at sa KOJC ni Quiboloy.

**********

Hindi rin basta-basta ang mga botante ng Iglesia at KOJC dahil sa totoo lang ay milyon ang mga botante ng dalawang religious groups na pakikinabangan ng mga pulitiko para manalo sa nalalapit na election sa Mayo, at…

Napakalaking tulong sa kanila ang boto ng INC at KOJC.

**********

Hindi naman nagbabago ang paninindigan ni PBBM na huwag na lamang daw isulong ang impeachment laban kay Sara dahil umano malaking abala lamang ito sa mga kinakaharap na problema ng bansa. Pero, kung hindi isusulong ang impeachment case kay Sara, paano malalaman kung saan napunta ang may Phl612.5Milyon pondo ng OVP at Department of Education at intelligence fund.

Patapos na 19th Congress, wala na, tiklop na impeachment ni Sara, pulos yabang lang kasi maraming Kongresista, eh.

**********

SHORT ORDER: Happy birthday to my younger sisters Mila Datol-Tucker (January 29, 2025) wifey to Bayaw Martin Tucker of England and Bunso Flora Datol-Quinto (January 31, 2025) wifey to Bayaw Guy Quinto of New Jersey & Tuguegarrao…. Happy brthday to colleague Edwin Gabutina (January 28, 2025) of Manila…Happiest birthday to sister Maritess K. Tantoco (January 28, 2025) wifey to bro Monching! God Bless.

RELATED ARTICLES

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisment -
Google search engine

Most Popular

Recent Comments