VICTORIA – Para sa pangalawang consecutive na taon ay itinatakda ang maximum allowable rent
increase sa B.C. nang mas mababa sa inflation rate. Ang maximum increase para sa 2024 ay magiging
3.5%.
Ang rent cap na 3.5% ay lubos na mas mababa sa 12-month average inflation rate na 5.6% at ito’y
umaaplay sa rent increases na may petsa ng pagkabisa sa o pagkatapos ng Enero 1, 2024. Kung pinili ng
landlords na itaas ang renta, dapat sila magbigay ng buong three months’ notice sa tenants, gamit ang
tamang pormularyo para sa Notice of Rent Increase. Maaaring itaas ng landlords sa B.C. ang renta isang
beses lamang bawat 12 buwan.
Ang Province ay gumagawa ng mga hakbang para suportahan ang mga umuupa sa buong British
Columbia. Bago noong 2018, ang taunang pinahihintulutang rent increase ay binatay sa inflation rate
plus 2%. Pagkatapos ng rekomendasyon ng Rental Housing Task Force, ang rent increase ay ibinaba sa
inflation rate lamang. Naglagay sa lugar ng rent increase freeze noong 2020 at 2021 para suportahan ang
mga umuupa sa panahon ng pandemya ng COVID-19. Para protektahan mula sa high inflation ang mga
nagrerenta, nilimit ng Province sa 2023 ang rent increases sa 2%; ito’y lubos na mas mababa sa 5.4%
inflation rate na aaplay sana.
Ang 2024 maximum allowable rent increase ay lubos na mas mababa sa kung ano sana ito bago ginawa
ng Province ang mga pagbabago noong 2018 na naglimit ng rent increases hanggang sa inflation. Habang
bumabalik ang inflation sa mga normal na level, balak ng Province na bumalik sa isang annual rent
increase na nakatali sa Consumer Price Index ng B.C. sa mga darating na taon. Sa ilalim ng dating
pamahalaan, ang maximum rent increases ay maaaring magsama ng karagdagang 2% bukod pa sa
inflation. Nakatipid ang mga pamilya ng daan-daang dolyar dahil sa pagbabagong ito.
Simula pa noong 2017 ay gumagawa na ang Province ng mga hakbang para mas maprotektahan ang mga
umuupa, kabilang na ang pagbawal sa illegal renovictions at pagpapalakas sa mga multa sa mga landlord
na nagpapaalis ng tenants nang mali. Ang renoviction ay isang eviction na ginagawa para mag-renovate o
mag-ayos ng isang rental unit.
Bukod pa rito, binigyan ng pamahalaan ang Residential Tenancy Branch (RTB) ng $15.6 milyon na
karagdagang funding para pahusayin ang mga serbisyo at mabawasan ang mga delay. Dinagdagan din
ang capacity ng Compliance and Enforcement Unit ng RTB para pahintulutan ang mas maagang
interventions at para tanggalin ang pangangailangan para sa mga pandinig.
Para sa karagdagang impormasyon: Para sa kasaysayan ng rent increases sa B.C., bisitahin ang:
https://news.gov.bc.ca/files/History_RentIncreases_BC.pdf Para sa impormasyon tungkol sa taunang
allowable rent increase, bisitahin ang: https://www2.gov.bc.ca/gov/content/housing-
tenancy/residential-tenancies/duringa- tenancy/rent-increases
Para malaman ang bagong Homes for People action plan ng pamahalaan, bisitahin ang:
https://news.gov.bc.ca/releases/2023HOUS0019-000436
Upang malaman ang mga hakbang na ginagawa ng Province upang tugunan ang krisis sa housing at
maghanda ng mga abot-kayang tirahan para sa British Columbians, bisitahin ang:
(Ministry of Housing
Media Relations 236 478-0251)