Friday, April 18, 2025
spot_img
HomePhilippine Asian News TodayThe Tall OrderThe Tall Order: PM Justin Trudeau, nag-resign na!

The Tall Order: PM Justin Trudeau, nag-resign na!

Apurahan ang ginagawang aksyon ng Liberal Party sa paghanap o’ pagpili ng ipapalit ke Justin Trudeau bilang Party Leader at Prime Minister ng Canada matapos mapilitang mag-resign last week si Trudeau dahil nga…

Wala ng tiwala mga Canadians ke Justin Trudeau.

**********

March 9 ang deadline para makahanap ang Liberal Party ng kapalit ni Trudeau at January 23 ang last day of filing ng mga tatakbong Party Leader ng LP at habang tinitipa ko itong kolumn ko ay iisa pa lang ang nagsabing gusto nyang palitan si Trudeau at ito ay si…

Mark Carney na dating Bank of Canada governor ang gustong maging Prime Minister ng Canada.

**********

Well, hindi madaling tumakbo bilang Party Leader dito sa Canada, lalo sa Liberal Party na majority party nga ng bansa kayat naging PM si Justin Trudeau, kailangang paldo bulsa mo dahil…

Filing fee pa lang ng tatakbong LP Leader ay $350K kada kandidato na.

**********

Nagsalita na rin kahapon si MP Anita Anand na hindi na rin sya sasali sa leadership race at hindi na rin tatakbong re-electionist sa Oakville at tatapusin na lang ang serbisyo bilang Transportation Minister. Bakit?

Wala na eh, grabe angat ng PC sa Liberal Party, 27 points!

**********

Well, hintayin na lang po natin kung sino na ang magiging kapalit ni Justin Trudeau bilang lider ng Liberal Party sa March 9 dahil muling magbubukas ang Parliament sa March 24 at paniguradong …

Magkakaruon na agad ng vote of confidence para magkaruon ng agad ng federal election nagyong spring.

**********

Anyare sa ginawang peace rally kahapon, January 13, sa Luneta na sinabi at tinawag ng Iglesia ni Cristo (INC) na walang pulitikong dadalo at sasama sa nasabing pagtitipon na dinaluhan ng may 1.5 Milyong miyembro? Para itong naging…

Miting de abanse ni Marcoleta ah!

**********

Suportado raw ng mga kandidatong sina Bato dela Rosa, Tol Tolentino at Belgica at iba pang pulitiko ang pagkakaisa at kapayaan ng rally ng INC kaya sila anduon sa Luneta.

Nakngdragon Tol Reyfort! Walang pulitika mga pulitiko na dumalo sa Luneta??? Talaga lang ha?

**********

Gigil na gigil sa pagsasalita si Cong Rodante Marcoleta sa pagtira sa ginawang budget deliberations ng Kamara/QuadCom lalo na sa pagtapyas ng confidential funds ni VP Sara Duterte na halos pag-amin na…

Personal syang abogado ni VP Sara at di diputado ng bayan.

**********

Close friend ng nasira kong utol Senior Citizens Partylist DiCong Jun Datol si Cong Dante Marcoleta at nakaharap ko na ito several years back nuong buhay pa si Utol Jun at hanga ako sa paninindigan nya bilang mambabatas. Pero, sa ginagawa at pananalita nya sa pagdedepensa ke VP Sara sa impeachment complaints kontra sa Bise…

Ekis na sa balota ko bilang Senador si Marcoleta!

**********

Nag-withdraw bilang Senatorial candidate nuong Linggo si dating Ilocos Sur Gov. Chavit Singson dahil sa sakit daw yata nya at medyo baka mahirapan sa nationwide campaign, at, grabe rin ang dami ng inaasikasong mga negosyo. Well…

Kahit di naman Senador, talo pa ni Lodi Chavit kahit Bise Pres, eh, di ba Pareng Joe Damasco?

**********

Ano raw tingin ko sa kandidatura ni Erwin Tulfo bilang Senador ngayong Mayo 12 midterm election? Tanong ng marami kong kaibigan sa Pinas. Sagot ko? Dahil namemeke at di Pinoy…

Never kong iboboto si Erich Sylvester Tulfo.

**********

Bakit daw si dating Bamban, Tarlac Mayor Alice Leal Guo aka Guo Hua Ping ay agad-agad sinuspindi at/o sinibak na alkalde ng Bamban kahit na elected ito ng bayan, gayung halos parehas sila ng kaso ni Erwin Tulfo na nameke ng dokumento para makakuha ng birth cetificate at passports? Dahil kaya sa…

Intsik si Alice Guo at walang makapangyarihang kapatid na Senador???

**********

Kahit nga si Comelec Chairman Atty. George Garcia raw ay walang magagawa sa sinasabing DQ ni Erwin Tulfo sa laging Top 1 sa Senatorial survey kahit na may mga dokumentong nagpapatunay umano na US citizen ito nuong i-appoint ni PBBM bilang Secretary ng DSWD nuong 2022 at naging ACT-CIS Partylist ng ng di makalusot sa Commission on Appointment.

Takot nga ba Comelec sa mga Tulfo, lalo na ke Sen. Raffy?

**********

Basta ako, heto lang muna ang listahan ko ng iboboto ko sa Mayo 12, 2025 midterm elections bilang dual citizen, personal ko po ito ha? Senador: Tito Sotto, Ping Lacson, Bong Revilla, Manny Pacquiao, Willie Revillame, Kiko Pangilinan at ang United Senior Citizens Partylist.

Yon lang Po muna. Kayo, sino nasa listahan nyo?

**********

Me dugong ilokano ako, pero, bakit daw hindi ko dinadala si Imee Marcos bilang re-electionist Senator gayung manang sya ni PBBM? Simple lang din sagot ko sa tanong na yon ng mga tropapeeps ko…

‘Dugong Duterte’ si Imee, eh, dehins yata Ilokano.

**********

SHORT ORDER: Namayapa na ang aking pangalawang Ina, si Nanay Luring Fortaleza sa edad na 98, ang matriarch ng Fortaleza Family ng Surrey, BC at Leveriza, Malate, Manila na siyang tunay na mapagmahal na Mother ng Fortaleza Figthing Bothers ng Philippine National Team at FEU sa Olympics, Asian at SEA Games, World Boxing Championships at iba pang International Slugfests. Rest in Eternal Peace Nanay Luring in the company of Tatay & Lord Jesus Christ. Maraming salamat Po sa maraming taong pagmamahal at pagturing din sakin bilang isang tunay na anak nyo ni Tatay, Nay Luring. God Bless.

By Mon Datol

SourceMon Datol
RELATED ARTICLES
- Advertisment -
Google search engine

Most Popular

Recent Comments