Isang maulang araw noong taong 2001, isang 22 taong gulang na dating kampeon sa flyweight ng World Boxing Council at kumatok sa pintuan ng Wile Card Gym sa Hollywood, California na pag-aari ng tanyag na boxing trainer na si Freddie Roach upang humingi ng tulong na pamahalaan ang kanyang pro-career.
Tatlong taon bago siya natanggap ni Roach, ang Pilipinong si Emmanuel “Manny” Pacquiao ay pinatulog si Chatchai Sasakul ng Thailand para sa WBA 112 librang kampeonato para simulan ang kanyang koleksiyon ng di kukulangin sa 12 padaigdig korona at tanghaling kaisa-isang nilalang sa kasaysayan ng sweet science na pagharian ang walong dibisyon ng kanyang napiling sport.
Makaraan ang isang dekada at dalawang taon mula noon at sa pamatnubay ng Hall of famer na si Roach, si Pacquiao ay nakoronahan din bilang panginoon ng RING Magazine sa featherweight, WBC super-featherweight, WBC lightweight, IBO/Ring welterweight, WBO welterweight at WBC super-welterweight.
Lingid sa kaalaman ng marami, ang ngayon ay mambabatas nang si Manny ay kauna-unahang boksingero na nanalo ng pandaigdig na kampeonatong lineal sa limang dibisyon.
At kauna-unahan din sa kasaysayan na makamit ang apat na pangunahing titulo sa orihinal na walong dibisyon na kung tawagin ay “glamour” divisions — flyweight, featherweight, lightweight at welterweight.
Sa edad na 42, kung magagapi na ang salot na coronavirus, at makakita na ang Team Pacquiao ng makakalaban para ituloy ang mga natamo niyang tagumpay sa 25 taong nakalipas, si Manny ay may pagkakataon madagdagan ang kanyang maipamamana sa daigdig ng palakasan.
Huling nakita si Pacquiao ng kanyag milyong tagasunod noong Hulyo 2019, kung kailan ay pinalasap niya ang dating walang talong si Keith Thurman ng mapait na pagkatalo para mapanatili ang kanyang super WBA welterweight sinturon na inagaw niya kay Argentine Lucas Matthysse kung saan sa 7 round niya pinatulog.
Nauna rito, naidepensa niya ang korona laban kay Andrien Broner na tulad ni Thurman ay isa ring Amerikano.
(May Karugtong)