Dalawang koponan pa ring kumakatawan sa grupo ng San Miguel Corp. ni businessman-sportsman Ramon S, Ang at ng pangkat MVP ni Manny V. Pangilinan ang magsasagupa para sa kampeonato ng kasalukuyang ginaganap na Governor’s Cup ng PBA.
Matapos ang kapana-panabik na semifinal round ng ika-46 Sesson ng kauna-unahang liga propesyonal sa bansa — ang Barangay Ginebra San Miguel ng grupo ni RSA at ang Meralco Bolts ni MVP nagkaroon ng karapatang magtuos at magpasiya kung sino ang tatawaging hari sa pangalawa at huling torneong inihanda ng liga sa mesa para ipangdiwang ang ika-46 Season nito.
Binigo ng Gin Kings ang hamon ng NLEX Road Warriors, 3-1 sa kanilang best-of-five series para makuha ang upuan sa Finals. Tinalo naman ng Bolts ang Magnolia Pambansang Manok Hotshots, 4-1 sa bukod nilang serye para gold medal play.
Ang Hotshots, ng RSA Group at Road Warriors na dala ang bandila ng pangkat ni MVP, sa tutuo lang, ang siyang lumabas na top two teams makaraan ang elimination round.
Ang paghaharap ng Ginebra at Meralco ay nangahulugan ng isa na namang RSA Group vs. MVP Group na siya ring naging kalakaran ng lahat ng torneong idinaos sa liga sa nakaraang walong taon mula noong 2015.
Katunayan, mula noong taong iyon, puro koponang pag-a-ari ng SMC – San Miguel Beermen, Ginebra at Magnolia — ang nagpalitan sa paghahawak ng korona sa bawat toreong naidaaos.
Dalawang beses lamag na napatid ang dominasyong ito ng grupo ni RSA. Noong 2015, kung kailan ay namayani ang Rain or Shine Elasto Painters sa Commissioner’s Cup nang ito ay hawak pa ni coach Yeng Guiao ng ngayon ay NLEX, at ang 2021 Philippine Cup ni balik-PBA coach Chot Reyes.
Ito ang ika-apat na paghaharap ng Kings ni coach Tim Cone at Bolts ni basketball guru Norman Black na ang titulo ay pawang naibulsa ng Ginebra noong 2015-2016 season, 2016-2017 Season at 2019.
Isang pagkakataong lalong inasahang makadaragdag ng kasabikan sa fans na sa kauna-unahang pagkakataon mula nang magsimula ang pandemya ng Covid 19 ay makasasaksi ng laro ng 100 porsiyento sa Araneta Coliseum at Mall of Asia kung saan ang best-of-seven finale ay palit-palitang gaganapin.
Tulad nang mga nauna nilag pagtutuos para sa lahat ng nakataya, ang kampanya ni coach Tim at Kings ay nakasalalay sa kanilang import na si Justin Brownlee na ayon kay Cone mismo ay patuloy na nagpapakita ng pag-unlad sa kanyang laro mula nang siya ay dumating sa Pilipias noong 2015.
Ikinumpara ni coach Tim si Bro lee kay Bobby Ray Parks Sr., na patuloy na nagpapakikta ng pag-unlad sa kanyang laro mula nang siya ay dumating sa Pilipinas noong 2015.
“You might get him (Parks) one game, you might figure out something different for one game, but if you tried the second game, you’re dead,” papuri ni Cone sa kanyang ng reinforcement.
“He’ll figure it out and destroy you,” dagdag ni Cone. “Every time someone does something new, he’ll learn something and he adds it to his game. He continues to evolve.”
Bagamat tila ang kasaysayan ay nasa panig ng Ginebra, para kay coach Norman, gusto niya ang tsansa ng Bolts ngayong taon para makabawi sa kanilang naunang pagkatalo.
“I like my chances this time around,” ani Black. “I just hope I can get CB (Chris Banchero) back. If he comes back then I think my chances are pretty good.”
Maliban sa kanyang pag-giya sa Bolts na muling makapasok sa Finals, layon din ni Black n a tuldukan na ang tila wala nang katapusang pagkatalo niya kay coach Tim na anya’y hindi pa niya natatalo sa limang beses nilang paghaharap sa kampeonato.
“I’ve never beaten Tim before, so maybe this would be the right time to get it done,” Black aniya “We’ve been meeting a lot lately and he has been on the winning end every time.”