Pati ba naman ang pagdalaw dito sa bansa ni NBA MVP Stephen Curry ay tinalo rin tayo ng China? Katunayan, maituturing na insulto sa mga Pilipino at sa Pilipinas ang napakaigsing pagtigil dito ng kapitan de bola ng NBA kampeong Golden State Warriors. Iilang oras nga lamang siya dito at tutulak pabalik sa Estados Unidos. Ni walang isang araw ang ititigil lingid sa napabalita.
Baka nga magpapaginhawa lamang sa loob ng CR si Steph at sasakay na muli sa eroplano upang tapusin ang apat na araw na pamamasyal dito sa Asya na sisimulan sa Sityembre 4 sa Tokyo kung saan ay isang araw din lang siyang titigil.
Sa Susunod na araw sa Siyembre 5 ang lapag ng three-point artist sa Ninoy Aquino Internaional Airport. Mula Maynila lilipad sa Steph sa Beijing sa Sityembre 6, Chongqing sa Sityembre 7 at Shanghai sa Sityembre 8 kung saan matatapos an kanyang Asian tour.
Isang araw sa Maynila at tatlong araw sa China o baka apat pa kung sa Sityembre 9 siya lilipad pabalik sa Estados Unidos ng A. Eh hindi ba’t isan maaking insulto ito sa mga Pilipino na siyang pinakamaraming tagahanga ni Steph at pinakamalaking tagasunod ng Warriors.
Ang Ina mismo ni Steph ang nagsabi nito. Na ang mga Pilpino sa Amerika ang pinaka-marubdob na tagasuporta ng Warriors sa lahat ng laban nila at sa pagtagaguyod ng 67 na panalo. Isang NBA rekord, at maging sa panalo laban sa Cleveland Cavaliers ni LeBron James sa best-of-seven playoff playoff pafza saolay korona.
Mismong pagkatapos ng title series na pinagwagihan ni Stephen at mga kasama sa iskor na 4-6, nagsalita si Mrs. Curry para magpasalamat sa suportang ibinigay ng mga Pilipino sa ipinagmamalaking koponan ng Bay Area buong season.
Para sa kaalaman ng mga nag-organisa ng bisita dito ni Curry, ang pinakamalaking populasyon ng mga Pilipino sa Amerika ay nasa California, partikular sa Bay Area sa San Francisco at magins sa Los Angeles.
Dahilan para nagpapakamatay ang mga Pilipino sa mga lugar na ito sa mga koponan Warriors, Lakers, Clippers a tSacramento Kings sa basketball, Major League world champion San Francisco Giants, Los Angeles Dodgers at Angels sa baseball at maging L. A. Kings sa football.
Idagdag dito ang marami pang Pilipinong naka-base sa iba ang estado sa Amerika, kasama ang mga taga-Ohio, kung saan ay nandoon ang Cleveland at wala rin dudang milyon-milyong Pinoy ang mga nagbunyi sa Warriors a Steph sa kanilang tagumpay.
Dahilan din kung bakitang mga Pilipinong nandito sa bansa na sumubaybay sa kampanya ng Warriors sa NBA. Kung kaya nga di dapat masisi na ang mga Pilipino na makadama ng pagkainsulto sa pagbibigay ng ilang oras lamang na makita nila si Steph sa pagbisita niya sa Pilipinas.
Wika ng maraming nakausap ng SALA SA LAMIG … tunay na malaking insulto sa bansang itong kung saan ay relihiyon ang larong basketball. AS MALAKING KATANGAHAN DIN SA ORGANISADOR
PARA HINDI NILA MALAMAN ANG KATOTOHANANG ITO!
*********************
Eddie-Alinea
Author: Eddie G. Alinea