Buong pagmamalaking dadalhin ng boksingerong si Eumir Marcial ang makulay na kasaysayan ng bansa sa panglawang laban niya bilang pro sa susunod an buwan sa Amerika.
Sa darating na ika-9 ng Abril Araw ng Kagitingan, ay gugunitain ng bansa, ang mga Pilipinong nagbuwis ng buhay para matamo ang kalayaan sa pananakop ng mga Hapones noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig.
Ito rin ang araw na napili ni Tokyo Olympic Games bronze medalist sa boksing na si Eumir Marcial para idaos ang kanyang ikalawang laban sa ‘punch-for-pay’ game sa misyon niyang maging pangalawa lamang na Pilipinong maghari sa dibisyon ng middleweight sa daigdig sa sport ng ‘sweet science.’
Sa Las Vegas, ayon kay Sean Gibbons, pangulo ng MP Promotions na pag-a-ari ng Pilipino ring eight-division world champion Manny Pacquiao, ay gaganapin sa Lunsod ng bisyong Las Vegas sa USA, lugar ng maraming pakikipag-tuos ng ngayon ay retirado nang kababayan ni Marcial tungo sa kanyang dakilang karera sa boksing.
Kung sino ang makakaharap ni Marcial at kung saan sa Las Vegas ito gaganapin ay pagpapasiyahan pa sa mga darating na araw, ayon din sa pahayag ni Gibbons.
Gamit ang kanyang ngayon ay kilala nang bilis at lakas ng suntok, matagumpay na sinimulan ng 26 anyos na Zamboangueño ang kanyang pagiging pro at kampeon sa hinaharap nang magaan niyang talunin ang Amerikanong si Andrew Whitfield sa pamamagitanng 40-36 shutout noong Disyembre 16, 2020 sa Exposition Center sa Los Angeles, California.
Ang Hall of Fame trainer na si Freddie Roach, ang humubog kay Pacquiao patungo sakanyang kinalalagyan bago mag-retiro noong nakaraang taon, at ang kanyang Pilipinong assistant na si Marvin Somodio ang nasa corner ni Marcial sa kanyang debut.
Ang kanyang impresibong debut laban kay Whitfield ay isa sa mga naging kasangkapan ni Eumir sa kanyang misyong bogyan ang Pilipinas ng medalya galing Olympics.
At ang kanyang kampanya rin bilang pro ang magiging instrumento ng kaliweteng si Eumir sa kanyang layong mapaunlad ang kanyang bronze medal na nai-uwi mula Tokyo sa 2024 Games of the Olympiad na gaganapin sa Paris.
Ang XXXIII Paris Games ang ika-100 anibersaryo ng Pilipinas sa paglahok nito sa Olimpiyada na plano ng Philippine Olympic Committee na maging mas makasasysayan sa unang pagkakataon mula masilayan ng daigdig ang Pilipinong si David Nepomuceno na solong dalhin ang ating bandila ng Pilipinas noong 1924.
Si Ceferino Garcia ang kaisa-isang Pilipino pa lamang sa kasaysayan ng boksing sa Pilipinas ang haghari bilang pandaigdig na kampeon sa middleweight.
Nakoronahan bilang kampeong pandaigdig sa 160 librang dibisyon noong 1939, si Garca ay kinilalang imbentor at ‘ama’ ng ‘bolo punch’ bago ito ipinagbawal.
Bago mag-retiro si Garcia ay nakaipon ng 102 panalo laban sa 21 talo. Ang kanyang rekord na naitalang panalo ay itinuturing na pinaka-marami para sa isang mandirigmang Pinoy sa ibabaw ng ring.
Kinilala si Garcia bilang isa sa piknaka-malakas na manutok na boksingero sa kanyang panahon. (Reprinted from philboxing.com)