Noong panahong ang tawag para pagsabungin sina Manny Pacquiao, ang Pilipinong may hawak ng korona ng WBO welterweight at ang walang talong si Floyd Mayweather Jr., ay wala nang pag-asang matutuloy pa, biglang umeksana ang isang Pilipinong part-time actor cum waiter na nag-presintang kaya niyang mamagitan upang tumulong na matuloy ang sagupaan ng dalawa.
Noong ika-7 ng Enero, 2010 ay nagpahayag si Bob Arum, CEO ng Top Rank Promotions at pangunahing promoter ni Pacquiao na kanselado ang lahat ng negosasyon para ang labang pinakahihintay ng mundo ng boksing na sa isipan ng marami ay kumitil na sa pag-asang makita ang dalawang pinakamagaling na mandirigma sa ibabaw ng ring.
Apat na taon ang nakaraan, noong Mayo 2014, limang media outlet – USA Today, Los Angeles Times, The Hollywood Reporter, The Wall Street Journal, and the New York Post – ang nag-ulat ng pagsisumulang muli ng usapan para maisakatuparan ang naunsyaming plano.
At nasa gitna ng lahat ng ito ay si Gabriel Salvador, part time na artista at waiter sa isang tanyag na restaurant sa Hollywood na dahil sa kanyang trabaho ay naging matalik na kaibigan ni CBS Network president Leslie Moonves.
Lumitaw na si Moonves ay isang regular na suki ng Craig’s Restaurant sa West Hollywood kung saan si Salvador ay naglilingkod bilang waiter at malapit sa Wild Card Gym na pag-a-ari ni Hall of Fame trainer Freddie Roach na pinaglilingkuran naman ng kanyang anak na si Elijah.
Sinasabing si Salvador at Moonves ay pinag-ugnay ng kanilang pagmamahal sa sport ng boksing. Ang CBS ay mother company ng Showtime Network na may malaking investment sa sports, partikular kay Mayweather na may multi-dollar na kontrata sa kumpanya.
Dahilan para maniwala si Salvador na kung madadala niya si Moonves para makausap si Roach, malaki ang tsansang maituloy ng dalawa ang sagupaan nina Pacquiao at Mayweather.
Naniniwala rin si Salvador na base sa kanyang koneksyon kay Roach at Moonves at sa kanyang marubdob na paniniwalang mapapasok nila ang pulitikang naging malaking hadlang sa pagkakatuloy ng proyekto.
At nangyari nga ang dapat na mangyari. Nagkita si Moonves at Roach noong Mayo 28, 2014 at pumayag kapuwa na ang matagal nang hinihintay na paghaharap ay dapat maisakatuparan alang-alang sa fans ng boksing.
Binigyan ni Roach si Moonvess ng go-ahead signal para simulan ang mga dapat gawin.
Tinulungan ni Roach si Moonves na makipagdasundo kay Arum at kalimutan ang mga nakaraang alitan. Sa parte naman ni Moonves dinala niya ang mga kinatawan ng dalawang nag-a-away na kampo na magkita sa kanya mismong tahanan sa tulong pa rin ni Salvador.
Hindi rin naging madali ang usapan pero sa madaling sabi, nagkaisa ang dalawang kampo na ang kanilang mga manok ay magsabong sa itinakdang araw ng Mayo 2, 2015.
Samantala, iisa ang napagkasunduan na kung hindi sa pamamagitan ng isang artista at waiter na Pilipino, hanggang sa mga panahong ito, ang mga tagasunod ng sport na sweet science, marahil, ay nakatunganga pa sa paghihintay na kanilang idolo ay magbangasan ng mukha para patunayan kung sino sa kanilang dalawa ang dapat kilalaning hari ng sport na kanilang pinili.
Si Arum mismo na mahirap papaniwalain sa mga pangyayaring nagaganap nang wala siyang pahintulot ay naniniwalang utang na loob na si Pacquiao at Mayweather ay magharap.
Para kay Salvador at sa papel na kanyang ginanpanan, siya ay naniniwalang bilang nakatuklas dapat siyang mabayaran ng “finder’s fee,” sa mga oras at pagsiksikap na kanyang ginugol para ma-realize ang laban.
Ag malungkot, sa mga pagtatanong ng reporter na ito, sa ilang taong nakalipas matapos ang laban, lumalabas hindi pa nababayaran si Salvador kapuwa ng CBS o ng grupo ni Manny at Flyod o ng sinumang dapat managot.
Ang laban ay kumita ng mahigit $600 milyon, mahigit $400 million ay napunta sa mga telebisyon networks. Hindi kasama dito ang kinita ng dalawang boksingero.
(May Karugtong)