THE TALL ORDER By Mon Datol

  • Page Views 759
  • Gud bye PDU30, Gud bye E-Sabong

     

    Kita ng gobyerno na P640M monthly sa e-sabong matu-tutsa na sa pagbaba sa Malakanyang ni Pangulong Duterte sa katapusan ng Hunyo sa taong ito.

               Bilyon-bilyong piso ang kinikita ng gobyerno taon-taon sa e-sabong na hindi kayang pulutin ng gobyerno, at mawawala ng lahat ang perang yon sa pag-alis nga sa pwesto ng Pangulo. Pero sumobra na kasi ng pagka-adik ng maraming Pinoy sa e-sabong eh, nagbebenta ng mga ari-arian, pati sanggol na anak binebenta, nagnanakaw, at higit sa lahat ay marami ng ‘nawawalang’ mananabong kayat napilitang ipasara na ito ni DU30.

              “Todas” bigla sina Atong, Bong at i-ilan pang e-sabong bigtime operators sa Pinas.

    =============

    Pero, depende na rin siguro sa bagong uupong Pangulo sa June 30 kung ibabalik ulit ang e-sabong. Kung ako tatanungin, tigil na yang e-sabong dahil ilan tao lang kumikita ng bilyones dyan eh. Ang dapat gawin ng bagong Pangulo ay ibalik ang kulturang Pinoy…

    Ibalik ang regular na sabong ng bayan!

                                   ==============

    The mandatory wearing of face masks will not be lifted in the Philippines until the end of his term, President Rodrigo Duterte said on Monday. “Ako I’ll just state my case…there is no way na masks will not be required. it will be a part of the protocol for a long time until the last day of my office. Yan ang order ko at yan ang sundin ninyo,” the President said.

                 Ang utos ng Hari hindi nababali. Mahigit 2 buwan pang kikita supplier ng Hari, oppppsssss.

                                         ===============

    Sen. Ping Lacson said ex-QC mayor  Brigido ‘Jun’ Simon was behind the offer for him to withdraw from prexy race to support  the Leni-Sotto tandem last March 12 in  their campaign sortie in Pampanga.

    Ibarra Gutierrez, Robredo’s spokesperson, said Simon is not an authorized person to speak for the Vice President’s campaign and they will stick with the Robredo-Pangilinan tandem for Eleksyon 2022.  Di tutuo, ani Gutierrez.

                  Eh, di, hindi. Wa kame pakels.

     ===============

    Di raw madi-disqualify ng Comelec si Raffy Tulfo kahit na convicted sya sa Libel Case, na isang criminal case involving moral turpitude, dahil tapos na daw ang 5 years since the Court of Appeals decision sa MICHAEL C. GUY vs. RAFFY TULFO, G.R. No. 213023, April 10, 2019 kaya di na daw madidisqualify si Raffy Tulfo tungkol dito.

                  Meron umanong bagong DQ case isinampa kontra RF sa Comelec na gugulantang umano sa Idol nyong si Raffy Tulfo.

                  Abangan!

      ===============

    Iminungkahi ni Manila Rep. Bienvenido Abante Jr. na taasan pa ng buwis ang sigarilyo at alak o sin taxes na kumita umano nuong 2020 ng P227.6 bilyon na mas mataas kumpara sa P224.6 bilyon na nakolekta noong 2019, pamalit sa mawawalang kita ng gobiyerno kapag ibinaba ang fuel excise tax. More taxes on tobacco naging matinding away at hiwalayan nina Sen. Manny Pacquiao at ng Ilocos Sur Kingpin.

                    Me bago kang ‘kaaway’ Mayor Chavit!

    ===============   

    Muntik na akong mabulunan ng mabasa ko sa mainstream media at ilang vloggers sa FB na obvious ay mga kakampinks na 220,000 DAW ang dumalo sa rally ng Leni-Kiko tandem sa Pampanga! 2 + hectares na lugar, kakasya ang 220,000 tao?

                 Kahit na siguro patong-patong at 3 level na sapin-sapin ang mga taong yon, eh, di aabot ng kahit 100,000 ang bilang ng tao sa maliit na lugar.

                 Nakngdragon! Di kaya yan parang 4 x 40 = 1600 ni Lenlen?    

    ===============

    Mga statisticians ang nabuwisit sa report na yon ng mga Kakampinks  kayat naglabas sila ng mga acceptable theories kung gaanong tao lamang ang pedeng kumasya sa espasyong 2+ hectares of land. Akalain mong not more than 41,000 lang pala ang pedng kumasya sa nasabing lugar?

    Basta humahabol, kahit ano gagawin, tumatapilok pa rin!                                                             

                                   ===============

    Sen. Ping Lacson sinabihan si VP Leni na makasarili ito ng sabihan siya at iba pang kandidato na umatras na lang at suportahan na siya para talunin si BBM. Never na magba-back-out si Lacson, kahit si Yorme Isko, dehins! Kahit nga si MANNY PACQUIAO hindi tinanggap offer ni VP Leni na umatras, eh. Wala silang tiwala sa mga salita ni VP Leni. Isa lang ibig sabihin nito…

                BBM na ang bagong Pangulo ng Pilipinas!!!

     ================

    Bongbong Marcos is expected to rake in 36M votes after he maintained his lead in the presidential race, Pulse Asia said after the firm’s latest survey showed BBM comfortably on top with a 56 percent voter preference, which would be equivalent to about 36.5 million of the 65 million voting population. BBM’s 32% lead over VP Leni translates into around 19.5million votes! Mas marami pa ang lamang ni BBM ke VP Leni keysa 16million votes na nakuha ni PRDU30 nuong 2016 presdential election.

    Huwaw! Only in da Pilipins presidential polls magaganap ito! Mabuhay ka Pangulong Bongbong Marcos!

                                         =================

    Heto na po hinahanap ng ating ma ka-tropa rito sa loob at labas ng Canada at Pilipinas kong mahal. MY FINAL LIST:

            President            – BBM

            VP                        –  Sara Duterte

            Partylist              –  #158 Senior Citizen

    My Senatorial Candidates:  Rodante Marcoleta, Manny Pinol, Harry Roque,  Atty. Larry Gadon, Mark Villar, Atty. Salvador Panelo, Robin Padilla, Loren Legarda, Jinggoy Estrada, Chiz Escudero, Bistek Bautista and Allan Peter Cayetano.

    Win or lose, I still believe mahuhusay na tao ang mga ito.

                                        ===============

    SHORT ORDER: Patuloy pa po ang ating pagdarasal sa kapayapaan ng kaluluwa ng ating yumaong kapatid at kumpare Rogelio ‘Ger’ Fortaleza sa Kaharian ng ating Panginoong Hesukristo. We wont forget you Pre Ger. Farewell my brother. Kita-kita tayo ulit sa darating na panahon. Pakikiramay again, Mareng Rose, Zen at mga kapatid mo, kina Nanay Luring, Pre Ric, Reyfort, JayAr, Rolly, Rose at sa buong Fortaleza Family!…  Well, nagbabalik po ang “Taste of Manila” Street Festival sa dati nitong lunan sa Little Manila area sa Bathurst St. corner Wilson Avenue, North York, Ontario, after a 2-year-hiatus due to COVID19 pandemic. Ika-9th year na po ito this year at kinikilalang pinaka-sikat at pinakamalaking Pinoy Street Festival sa buong Canada at North America dahil sa huling pagtatanghal nito nuong Agosto 2019 ay nagtala ito ng hindi bababa sa 300,000 revellers of mixed races and nationality at more than 60% ay mga Pinoy na galing pa sa malalayong Probinsya ng British Columbia, Alberta, mga kababayan mula New York City, New Jersey, Chicago, Pennsylvania atb pang lugar. August 20-21, 2022 po muli ang pagbabalik ng: ‘Tuloy ang Saya sa Taste of Manila.’ If you are interested to join the event as Food Vendor/Exhibitors and/or maging sponsors ng 2-day event, please call me @647-588-7844 or email me @ [email protected] …. Thanks nga pala Pre Reyfort at Mare Cely sa pagtanggap muli sa aking ‘The Tall Column’. Every issue na po mababasa nyo itong aking kolum dito sa PNT. Salamat po and  God Bless!

     

                                                        -30-

    Share

    New Posts Recently publish post More

    • 20 November 2024
      21 hours ago No comment

      Surrey Tree Lighting Festival welcomes Canadian Olympic Gold Medalist Phil Wizard on Nov. 23 Canadian artist and athlete to host breakdance demonstration

      Surrey, B.C. – The City of Surrey is proud to announce that Canadian breakdancer and 2024 Olympic Gold Medalist Philip Kim, also known as Phil Wizard, will host a breakdance demonstration at the 14th annual Surrey Tree Lighting Festival & Holiday Market at 4:30 p.m. on Saturday, Nov. 23. ...

    • Photo by the Canadian Armed Forces.
      14 November 2024
      1 week ago No comment

      How Filipinos contribute to Canada’s diverse military

      As one of the biggest racialized populations in Canada, Filipinos are helping build a diverse and inclusive society. Filipinos are found in almost every aspect of life in the country, including the military. In the lead-up to this year’s commemoration of Remembrance Day and Veterans’ Week, Statistics Canada on ...

    • 07 November 2024
      2 weeks ago No comment

      Marcos congratulates Trump

      President Ferdinand Marcos Jr. of the Philippines has congratulated Donald Trump for winning the November 5, 2024 U.S. presidential election. “President Trump has won, and the American people have triumphed. I congratulate them on their victory in an exercise that showed the world the strength of American values,” Marcos ...

    • Pope Francis addresses the crowd from the window of the apostolic palace overlooking St. Peter's square during the Angelus prayer on October 27, 2024 in The Vatican.
      04 November 2024
      2 weeks ago No comment

      Pope prays for Kristine victims in Philippines

      MANILA, Philippines — Pope Francis has offered prayers for Filipinos affected by Severe Tropical Storm Kristine. At Sunday’s Angelus address at the Vatican, the 87-year-old pontiff reportedly mentioned praying for the victims of Kristine. “I am close to the population of the Philippines, struck by a powerful cyclone. May ...

    • 04 November 2024
      2 weeks ago No comment

      Duterte: no apology, no excuses for drug war

      Former Philippine President Rodrigo Duterte on October 28, 2024 offered no apologies or excuses for his actions as he faced a Senate investigation into his widely criticized bloody war on drugs for the first time. Before reading his prepared statement during the hearing of the Senate blue ribbon subcommittee, ...