Pahayag ng Premier para sa bagong taon

  • Page Views 2114
  • VICTORIA – Nag-isyu ng pahayag si Premier David Eby para sa bagong taon:

    “Ang bagong taon ay panahon para pagnilayan ang nakaraan, ipagdiwang ang ating mga tagumpay at magtalaga ng ating mga hangarin para sa hinaharap.

    “Ngayong taon, nagpakita ng matinding lakas, katatagan at pagmamalasakit ang mga mamamayan ng British Columbia habang hinaharap natin ang naging pinakamapanghamong taon para sa karamihan.

    “Isinasaisip ko ang mga bumbero na pinrotektahan ang ating mga mamamayan at mga komunidad habang nilabanan nila ang pinakanakakapinsalang wildfire season; isinasaisip ko rin ang mga nawalan ng mga tahanan at nalagay sa panganib ang mga komunidad at kabuhayan; at ang mga mamamayan na nagkusang tumulong sa mga na-evacuate. Isinasaisip ko ang mga mamamayang nahihirapang maglagay ng pagkain sa kanilang hapag-kainan dahil sa pandaigdigang implasyon. Mayroong mga guro at support staff na ipinaglalaban ang kanilang mga mag-aaral laban sa mas tumitinding kapootan, homophobia at transphobia. At isinasaisip ko rin ang lahat ng mga bukas-palad na tumulong upang maging mas masigla ang holidays para sa kanilang mga kapitbahay sa pamamagitan ng pagtulong sa kanila, pag-deliver ng pagkain o pagbibigay ng malasakit. Kapag mahirap ang panahon, nagtutulungan ang mga mamamayan ng British Columbia.

    “Narito rin ang pamahalaan para sa inyo.

    “Marami tayong narating para labanan ang mga pinakamalaking hamon na kinahakarap nating lahat at ipagpapatuloy natin ito sa susunod na taon.

    “Nais makatanggap ng mga mamamayan ng tulong para sa tumataas na pang-araw-araw na gastusin dahil sa pandaigdigang implasyon at patuloy na tumataas na interest rates. Nitong nakaraang taon, tinugunan ito ng ating pamahalaan sa pamamagitan ng pagkakaroon ng libreng kontrasepsiyon, pagbawas sa bayad para sa child care, permanenteng pagtaas ng BC Family Benefit, pagpapataas ng minimum wage, pag-freeze ng bayad para sa heating ng BC Hydro, pagbibigay ng libreng almusal para sa mga bata sa paaralan at pagbibigay ng limitasyon sa pagtaas ng bayad sa upa na mas mababa sa implasyon.

    “Nais ng mga mamamayan ng isang maayos na tirahang abot-kaya sa komunidad na gusto nila. Para sa taong 2023, nakapagbigay ang ating pamahalaan ng libo-libong abot-kayang pabahay at nakapagpasa ng isang makasaysayan at transpormasyonal na serye ng lehislasyon na kumakatawan sa isang panghenerasyong pagbabago at inaasahang makapagbigay ng ilang daang libo pang mga tirahan sa susunod na dekada.

    “Nais ng mga mamamayan na magkaroon ng access sa mataas na kalidad na health care na malapit sa kanilang mga tahanan. Ginawa namin itong mas madali ngayong taon sa pamamagitan ng pagdagdag sa ating workforce ng libo-libong doktor, nurse at iba pang propesyonal sa health-care; kasama rin dito ang pagpapatuloy ng ating pagsisikap sa mga bagong ospital at cancer centre; at ang pagpapadali ng proseso para tumira at magtrabaho dito ang mga health-care worker na nag-aral sa ibang bansa. Alam naming marami pang kailangan gawin.

    “Nais ng mga mamamayan na makapagtaguyod ng magandang buhay dito sa B.C. ang kanilang mga anak at apo. Nitong nakaraang taon, ipinagpatuloy natin ang pagpapatupad ng isa sa mga pinakamatatag na climate action plan sa buong kontinente at pinapangunahan natin sa Canada ang recovery pagkatapos ng pandemya para sa mga malalaking province. Nagdagdag rin ng mahigit 56,300 trabaho sa B.C. nitong 2023 at nagkaroon tayo ng pinakamataas na sahod at isa sa mga pinakamababang unemployment rate sa buong bansa. Inilunsad din namin ang ating Future Ready Action Plan upang mas maraming mamamayan ang matulungan para makuha ang kanilang mga kailangang kakahayan para sa mga indemand na trabaho sa ating mas sumisiglang clean economy.

    “Nais rin ng mga mamamayan na mamuhay sa isang patas, makatarungan at ingklusibong lipunan. Nitong 2023, ipinagpatuloy natin ang pakikipagtulungan kasama ang Indigenous Peoples upang magkaroon ng mga makabuluhan at pangmatagalang partnership na makakatulong para magkaroon ng pang-ekonomiya at panlipunang pag-unlad. Mabilis rin kaming umaksiyon upang ikondena ang mas dumaraming pagkakataon ng kapootan at pagsuporta sa mga naapektuhan nito. Nagsagawa rin kami ng mga hakbang upang mabawasan ang gender wage gap at ipinagpatuloy ang pagbuo ng lehislasyon para sa anti-racism upang magkaroon ng mas maraming makatarungang pag-access sa mga programa at serbisyo ng pamahalaan.

    “Ipinakita nitong mga nakaraang taon na kailangan natin ang isa’t isa. Mas malakas tayo kapag magkakasama tayong nagsisikap at kapag inilalagay natin ang ating mga mamamayan sa gitna na lahat ng mga isinasagawa nating desisyon. Sa 2024, layunin kong magkaroon ng magandang pagbabago ang mga mamamayan ng British Columbia sa kanilang mga komunidad at kanilang buhay.

    “Ngayong gabi, ibabahagi namin ng aking pamilya ang aming mga hangarin para sa 2024 at aabangan ang pagsapit ng bagong taon. Kasama sa aking mga hangarin ang patuloy na pagsisikap upang gawing mas maginhawa ang pamumuhay ng mga mamamayan sa B.C. at makapagbigay pa ng alaga at atensiyon at maging matulunging asawa at ama. Napakahalaga nito ngayon dahil nasasabik ako at ang aking asawa na si Cailey na salubungin ang bagong miyembro ng aming pamilya ngayong darating na taon. Tulad ng maraming pamilyang may mga batang anak, papanuorin namin ball drop sa eastern time dahil palagi namang magandang resolusyon ang pagtulog ng mas maaga – lalo na bago ipanganak ang aming bagong anak!

    “Binabati ko ang lahat ng mamamayan sa B.C. ng isang manigong bagong taon at hinahangad kong maging maganda ang 2024 para sa lahat!”

    Share

    New Posts Recently publish post More

    • 19 September 2024
      8 hours ago No comment

      Consul General Arlene Magno Honored at Birthday and Despedida Party

      Consul General  Arlene was given a warm send-off and birthday celebration on September 18, 2024, at Happy Lamb Hot Pot in Burnaby Metrotown. The event was held ahead of her birthday on September 26, as she prepares to return to the Philippines on September 28. The gathering brought together ...

    • 12 September 2024
      1 week ago No comment

      Quiboloy arrest deals major blow to Dutertes

      The arrest of religious leader Apollo Quiboloy has dealt a significant hit to the political stock of ex-Philippine president Rodrigo Duterte and his daughter Vice-President Sara Duterte-Carpio, analysts say. Observers also say that the capture of the self-appointed “son of God” has placed the Duterte camp on the backfoot ...

    • 05 September 2024
      2 weeks ago No comment

      The Search for Miss Universe Philippines – Canada 2024 Begins: Online Applications Now Open!

      Vancouver, BC— The journey to find the next Filipina beauty queen representing Canada on the global stage has officially begun! The highly anticipated Miss Universe Philippines – Canada 2024 is now accepting online applications from September 1 to October 31, 2024, offering a thrilling opportunity for Filipinas across Canada ...

    • 29 August 2024
      3 weeks ago No comment

      Game of Thrones: BBM, Sara battle escalates

      Nothing but ashes. That’s all that remains out of the 2022 electoral alliance that swept to power Philippine President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. and his erstwhile ally but now nemesis, Vice-President Sara Duterte-Carpio. What’s more, Philippine political observers appear to be forewarning of a life-and-death aftermath to the escalating ...

    • 15 August 2024
      1 month ago No comment

      Summer Soiree with Mable Elmore

      Let’s join Mable Elmore in celebrating the close of summer as we kick off our campaign! Partake in elegant hors d’oeuvres, sweets, music and art in support of Mable’s re-election as our B.C. NDP MLA for Vancouver-Kensington