Naisagawa nang maayos at matagumpay ang nakaraang ika-Anim na Taunang Pagpupulong (AGM) ng mga Kasapi at Kamay-ari ng One Filipino Cooperative of British Columbia, ang kaunaunahang Kooperatiba ditto sa BC na natatag noong Oktobre ng taong 2009, sa pagtutulungan at pagkakaisa ng iba’t-ibang samahan ng Pamayanang Pilipino. Naganap ang pagdiriwang na ito sa Collingwood Neighbourhood House 5288 Joyce St., Vancouver, British Columbia noong ika-24 ng Mayo 2015, Linggo; nagsimula sa ika 1:00 ng hapon at natapos ng ika-6:00 ng gabi.
Tampok sa pagdiriwang na ito ay ang mga sumusunod:
1. Pagpapakikilala at pagbabalitaan ng mga kamay-ari at kasapi ng OneFilCoop kaisa ng mga bisita at mga kaibigan;
2. Pagbati at pagtanggap sa mga kamayari at kasapi pati na rin ng mga bagong magsisisali sa OneFilCoop ng Pangulo;
3. Ang pagtawag sa kapulungan ng pagkakaroon ng Quorum o sapat na bilang ng mga kasapi at kamay-ari para makapagpasiya at makabalangkas ng mga bagong Gawain at Program para sa Taong 2016;
4. Ang Pag-uulat ng Pangulo, ng General Manager at ng Audit
Komite sa Kasalukuyang Kalalagayang Pananalapi nito;
5. Paghahandog ng isang Awiting nakapagpasigla sa mga kasapi at kamay-ari
6. Ang pagbibigay testimonya ng mga kasapi at kamay-ari sa mga natamong mga kabutihan at benepisyo sa pagsali sa Komite
Nahalal bilang mga bagong pamunuan sa taong ito ay ang mga sumusunod:
A. Board of Directors:
1. Antonio M. Calderon- President
2. Francisco V. Romantico – Vice – President
3. Juliet Andalis – Board of Director
4. Salom
5. Amie Agbayani- Board of Director
5. Lourdes Cerino- Board of Director
6. George Gaspar- Board of Director
7. Roel Gumboc- Board of Director
8. Rose Gupit Santos- Board of Director
9. Eugenia Versoza- Board of Director
B. Audit and Inventory Committee
1. Marichu Celi
2. Gilber Santos
3. Rose Adsuara
C. Credit Committee
1. Maria Bernadette Cordova
2. Teresita
3. Jane Ballares
D. Committee
1. Cora Carausos
2. Malou Mc Callum
3. Jane Gumboc
Minsan pa ay napatunayan na kung sama-sama at tulongtulong sa anumang gawain, madali at matagumpay nitong maisasagawa ito. Maligayang Pagdiriwang sa lahat ng bumubuo, kasapi at kamay-ari ng OneFilCoop. Ang tagumpay mo ay tagumpay ng Pamayanang Pilipino.
Muli naming ipinaparating sa inyo ang aming walang sawang pasasalamat at paglilingkod. Makaka-asa kayo na nandirito lang ang OneFilCoop para sa inyo at marami pang mga kapuwa Filipino na tatangkilik dito sa darating na bukas.
Para sa mga interesadong maging bahagi at maging isa sa may-ari ng kooperatibang ito, o anumang katanungan tungkol sa FilCo-op, makipag-ugnayan lang po sa email: filcoopbc@yahoo. ca or tumawag sa 604- 780-2061; website: www. filcoopbc.com; facebook: Filipino Cooperative
“Matutulungan ka na, Makakatulong ka pa Kayang- Kaya Kung Sama-Sama!”