PBA Outlook: Di pa tapos ang lahat para kay Coach Chito at Coach Yeng

  • Page Views 659
  • Tatapusin na ng Barangay Ginebra at Meralco ang kanilang best-of-five semifinal round serye laban sa NLEX at Magnolia Pamabansang Manok Hotshots, ayon sa pagkakasunod, sa PBA Governors’ Cup ngayong araw sa Araneta Coliseum.

    Kapuwa nangunguna, 2-1 panalo-talong kartada makaraan ang unang tatlong paghaharap, kailangan na lamang ng Gin Kings at Bolts na manalo sa kambal na labang ito na tampok sa Round of Four upang umabante sa Finals.

    Kung saan mapapagpasiyahan kung sino sa kanila ang tatanghaling kampeon sa pangalawa at huling Conference na inihain ng kauna-unahang liga propesyonal sa basketball sa bansa bilang pagdiriwang sa ika-46 na season nito.

    Pinawi ng Road Warriors ni coach Yeng Guiao ang 2-0 bentahe ng Kings noong sa mahigpitang pagtutuos noong Linggo sa Mall of Asia Arena, upang bigyang muli ng buhay ang kanilang kampanya na masungkit ang kanilang kauna-unahang titulo mula ang makakuha ng prangkisa noog 2014-2015 Season.

    Tinalo rin ng Bolts ni coach Norman Black ang Hotshots noong araw ding iyon, 101-95, para mabawi ang kanilang upuan sa gold medal play na huli nilang naranasan noong Commissioner’s Cup ng 2016-2017 bago sila nabigo vs Barangay Ginebra ng pangalawang pagkakataon para sa dapat ay kauna-unahan nilang korona sa loob ng 12 taon mula noong 2010.

    Kapag ang mga pangyayari ay umayon sa dapat maganap at ang Bolts at Kings ni coach Tim Cone ay muling magkaharap sa kampeonato, pang-apat na beses na itong magaganap sa loob ng walong taon.

    Madaling sabihin ito kay sa gawin. Masyadong Malaki ang nakataya, di kukulangin sa kampeonato na hindi pababayaan kapuwa ng Hotshots ni coach Chito Victolero at Road Warriors na mangyari ng ganoon ganoon lamang.

    Una, natuklasan na ni coach Yeng na possible nga palang talunin ang Kings ni coach Tim at tiyak na sasamantalahin nila ito para manalo, itabla ang serye at palawigin pang best-of-five sa buong rota nito.

    “Actually, I just told the boys that we just have to save ourselves the embarrassment of being swept (in the series),” pagtatapat ni coach Yeng sa reporter na ito matapos silang makaligtas na mawalis noong Linggo. “I said, maybe if we won, we could change the complexion of the series and have a chance at winning (the title).”

    “Eh nagawa na nga naming manalo!” dugtong niyang nanlalaki ang mata na ang ibig sabihin ay hindi pa tapos ang lahat.

    Bigkas namann ni coach Chito: “We’re down but we’re not out!”

    “We’re executing well, especially down the stretch. Now, I don’t know (what happened)..” obserba ni coach na nangangakong ang kanyang tropa ay babalik para isalba ang season at makuha ang tropeong di pa nila nalalasap.

    Anuman nang mangyari ngayong araw – matapos man o tumagal ang semis, asahan ang dalawang larong ito na magbibigay ng lubos na kasiyahan at kilig sa libo-libong papalaring makapanood nito sa loob man ng Big Dome.

    O sa fans sa bulwagan ng kanilang tahanan at harap ng TV set na halos tatlong taon nang nadiyeta sa magagandang laro dala ng pandemya ng Covid 19. (Reprinted from PhilBoxing.com)

    Share

    New Posts Recently publish post More

    • Photo by the Canadian Armed Forces.
      14 November 2024
      2 days ago No comment

      How Filipinos contribute to Canada’s diverse military

      As one of the biggest racialized populations in Canada, Filipinos are helping build a diverse and inclusive society. Filipinos are found in almost every aspect of life in the country, including the military. In the lead-up to this year’s commemoration of Remembrance Day and Veterans’ Week, Statistics Canada on ...

    • 07 November 2024
      1 week ago No comment

      Marcos congratulates Trump

      President Ferdinand Marcos Jr. of the Philippines has congratulated Donald Trump for winning the November 5, 2024 U.S. presidential election. “President Trump has won, and the American people have triumphed. I congratulate them on their victory in an exercise that showed the world the strength of American values,” Marcos ...

    • Pope Francis addresses the crowd from the window of the apostolic palace overlooking St. Peter's square during the Angelus prayer on October 27, 2024 in The Vatican.
      04 November 2024
      2 weeks ago No comment

      Pope prays for Kristine victims in Philippines

      MANILA, Philippines — Pope Francis has offered prayers for Filipinos affected by Severe Tropical Storm Kristine. At Sunday’s Angelus address at the Vatican, the 87-year-old pontiff reportedly mentioned praying for the victims of Kristine. “I am close to the population of the Philippines, struck by a powerful cyclone. May ...

    • 04 November 2024
      2 weeks ago No comment

      Duterte: no apology, no excuses for drug war

      Former Philippine President Rodrigo Duterte on October 28, 2024 offered no apologies or excuses for his actions as he faced a Senate investigation into his widely criticized bloody war on drugs for the first time. Before reading his prepared statement during the hearing of the Senate blue ribbon subcommittee, ...

    • 24 October 2024
      3 weeks ago No comment

      Marcos-Duterte feud: “now a fight to the finish”

      The raging spat between the two most powerful political dynasties in the Philippines isn’t showing signs of letting up. As one political observer noted, the fight between the camps of President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. and erstwhile ally Vice-President Sara Duterte-Carpio has reached a point of no return. “This ...