Vice Ganda on Wenn Deramas’ death: ‘Nawalan ako ng kaibigan, para akong nawalan ng pakpak’

  • Page Views 5472
  • Umiiyak at malat ang boses ni Vice Ganda nang magpa-interview sa Push.com.ph tungkol sa biglaang pamamaalam ni Direk Wenn Deramas. Isa si Vice sa pinaka malalapit na kaibigan ni Direk Wenn at lahat ng mga pelikulang pinagbidahan ni Vice ay pinamunuan ni Direk Wenn.

    Natatandaan pa ni Vice ng unang magkausap sila ni Direk Wenn na bibigyan siya nito ng break sa pelikula.

    “Sa pelikulang ‘Apat Dapat, Dapat Apat’ niya ako una binigyan ng break. Natatandaan ko noon first day ng shooting namin binigyan niya ako ng script na walang laman na papel. Tinanong ko siya bakit walang laman, sabi niya ako magsasabi ng eksena sa iyo, ikaw na bahala,” paglalahad ni Vice.

    Mabait at very generous ang naging description ni Vice kay Direk Wenn sa kanyang mga kaibigan at pamilya. Hindi makakalimutan ni Vice ang natutunan niya sa namayapang direktor.

    “Huwag maging maramot. Iyung magbibigay ka ng chance sa iba para mag-shine sila. Yan yung ginawa niya sa akin at hindi ko yan makakalimutan,” kwento ni Vice.

    At ngayong pumanaw na nga ang namahala ng mga pelikula ni Vice, hindi niya alam kung ano na ang kanyang mga plano.

    “Sobrang nalulungkot ako. Nawalan ako ng kaibigan, feeling ko nawalan ako ng pakpak hindi ko alam kung ano ang gagawin sa ngayon dahil sa nangyari,” sabi ni Vice.

    Isa si Vice sa mga unang dumating sa ospital nang mabalitaan na inatake sa puso si Direk Wenn Deramas. Nakaburol ngayon si Direk Wenn sa Arlington Chapels sa Araneta Avenue. (J. Fernando, push.com)

    Share

    New Posts Recently publish post More

    • I'm hoping you can let me share the spotlight with Pareng Rey in this story about the "75 Faces of Migration". I'm sending here a photo of mine and for caption, just use my name: Carlito Pablo.
      17 December 2024
      5 days ago No comment

      PNT’s Rey Fortaleza and Carlito Pablo honoured in 75 Faces of Migration

      The “75 Faces of Migration” tells inspiring stories of Filipinos in Canada and their remarkable journey. The initiative is a joint undertaking by the Embassy of Canada in the Philippines and the Philippine Embassy in Canada. The storytelling project is one of the highlights of the celebration in 2024 ...

    • 12 December 2024
      1 week ago No comment

      PNT’s Rey Fortaleza and Carlito Pablo honoured in 75 Faces of Migration

      The “75 Faces of Migration” tells inspiring stories of Filipinos in Canada and their remarkable journey. The initiative is a joint undertaking by the Embassy of Canada in the Philippines and the Philippine Embassy in Canada. The storytelling project is one of the highlights of the celebration in 2024 ...

    • One in five immigrants will decide to leave Canada within 25 years. Photo by nappy on pexels.com.
      11 December 2024
      2 weeks ago No comment

      Onward migration: newcomers giving up on Canada

      Canada remains one of the most preferred destinations for immigrants. However, the country is struggling to keep newcomers. A new report reveals a rise in the number of immigrants leaving for other countries, a phenomenon known as “onward migration”. One in five immigrants who come to Canada will decide ...

    • 05 December 2024
      2 weeks ago No comment

      “Dear Heart” Reunion Concert: Sharon Cuneta and Gabby Concepcion Rekindle a Timeless Romance on Stage

      After a productive meeting with Canada’s Minister of Trade, Mary Ng, Rey Fort Media ended the evening with a nostalgic and heartwarming reunion concert featuring the love team of former couple Sharon Cuneta and Gabby Concepcion. Filipino cinema and music fans were treated to an unforgettable evening on November ...

    • 28 November 2024
      3 weeks ago No comment

      Marcos-Duterte feud spirals

      The ongoing conflict between the camps of Philippine President Ferdinand Marcos Jr. and Vice-President Sara Duterte now appears to be a fight to the bitter end. The escalating tensions may leave Marcos with no choice but to strike a decisive blow against the Duterte clique, which includes the vice-president’s ...