Nauwi na sa breakup ang isang taong relasyon nina Coleen Garcia at Gab Valenciano. Nakaalis na ng bansa si Gab nitong Lunes, March 25, patungong Amerika para tapusin ang two-year music course sa Full Sail University sa Orlando, Florida. Ngunit hindi nagpunta si Coleen sa despedida party ni Gab sa Polo Club kasama ang pamilya nito at malalapit na kaibigan. Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News kay Coleen last week, kinumpirma nito ang estado ng kanilang relasyon ni Gab. Saad niya, “Alanganin kasi he’s leaving and mahirap. “I’ve never been in a long-distance relationship.
“Hindi kami pareho ng age, magkalayo ang age namin—24 siya and 20 lang ako.
“Pero we’re in the same stage of our lives na paangat pa lang kami, so mahirap yun.
“We’re both starting… paangat pa lang.
“Siya, matagal na siya sa showbiz, pero yung papasukan niyang career, iba.
“We’re just gonna be pulling each other down if we don’t stop it.
“Mahirap na yung long-distance relationship as it is, pero paano kaya kung dagdagan mo pa na paangat pa lang, tapos showbiz pa? Paano kaya?
“Parang lahat ng hirap na puwedeng mangyari sa isang relationship, nangyayari sa amin ngayon, so parang mahirap icontinue kung ganun.”
Patuloy ni Coleen, “Ngayon, malabo na talaga, maaaring mauwi sa breakup.
“Pero we are trying pa din, pero sa tingin ko kasi, sa ngayon, we are trying and trying.
“And he is leaving on March 25, so parang hindi niya pa alam kung kailan siya babalik.
“So, parang walang hangganan ang pagpunta niya sa States.
“Alam mo yung nalilito ka pa rin na breakup… yung parang ganun.
“It’s not super-super na, like, ‘Okay breakup, wala na.’
“Suguro it’s been a month… hindi naman one month, magwaone month pa lang.
“Di siya totally break na di kami nag-uusap.
“Nagkakalabuan na kami for about one month. Medyo malabo-labo talaga”
IN DENIAL. Aminado si Coleen na noong una ay in denial pa sila sa maaaring kapuntahan ng relasyon nila sa pag-alis ng bansa ni Gab. Pero habang papalapit ang araw ng pag-alis ng boyfriend ay doon daw nila nakita ang reyalidad.
“Dati, sinasabi namin na, ‘That’s fine, everything is fine.’
“Bago pa naging kami, alam namin na aalis siya. “Kasi years and years before he
even met me, plano na niya talaga yun, dream na talaga niya yun.
“Not once na naisip ko na pigilan siya o habulin ang pangarap na yun.
“Kasi years ago pa yun, it’s long overdue, kailangan na niyang matupad.
“We decided to fight for it, fight for it…
“Habang palapit nang palapit sa pagalis niya, dun nagiging mas totoo, mas nagiging klaro yung reality.
“Mas nakikita namin yung reality na baka hindi talaga mag-work.
“Ayaw namin na dumating sa point na away na lang nang away, na maa-affect yung work namin.
“Kahit papaano, may matitira pa ring respeto para sa isa’t isa at saka kung anuman ang mayroon sa amin, i-preserve na lang kaysa unti-unting nade-drain.”
Sabi pa niya, “Actually, wala namang nag-decide na ‘let’s break up,’ dahil sa sobrang pressure na nilalagay sa relationship namin.
“So many factors, tapos showbiz pa, aalis siya, we will both have different goals…
“Sa sobrang daming pressure na nalalagay sa relationship namin, away kami nang away, so ayun.
“I think isang malaking factor yun na away kami nang away.”
BIGGER PROBLEMS. Hindi nga itinago ni Coleen ang naging madalas na away nila ni Gab, kung saan pabigat din nang pabigat ang mga problema nila.
“Hindi ganitong mga klaseng away, kasi yung away namin before…
“Kasi we get along so well, Gab and I get along so well talaga.
“Hindi naman araw-araw, hindi naman sa palaging nag-aaway, pero pabigat nang pabigat yung mga away.
“Kasi habang lumalapit na yung day ng pag-alis niya, pabigat nang pabigat yung mga problema.
“Hindi mo na naiisip na, ‘Uy, aalis na siya, mami-miss ko siya.’
“Iniisip mo, ‘Anong gagawin niya pag nandun siya? Ano ang gagawin ko pag nandito ako?’ “Kasi ako, I always think of longterm, e. Di ako, ‘Ay, bahala na!’
“Iniisip ko talaga, ‘Paano kaya?’”
Nagkaroon ba siya ng fear na dahil malayo nga sila sa isa’t isa ay baka makahanap ng iba si Gab?
Pag-amin ni Coleen, “May ganun, hindi naman mawawala yun. Marami talagang naging problema.”
COMMUNICATION LINE. Dahan-dahan daw nilang pinutol ni Gab ang komunikasyon sa isa’t isa dahil naniniwala si Coleen na mas magiging mahirap kung patuloy pa rin ang pag-uusap nila nang madalas.
Pahayag ng young singer-actress, “Naka-ilang days na hindi kami nag-uusap, pero we’re in good terms naman.
“We’re in speaking terms. Pag kailangang mag-usap, nag-uusap naman.
“Pero yung texts, wala. Not so much na kasi aalis na siya.
“So mahirap if he keeps on holding on, I keep on holding on, so we’re preparing ourselves na lang.
“Katulad ng sinabi ko, we ended our relationship na ganito, peaceful, na parang mutually, kasi para nandun pa rin yung respeto.”
Mahal pa ba niya si Gab?
Sagot ni Coleen, “Hindi naman mawawala yun.
“Kasi when you love a person, hindi naman mahal mo lang siya dahil nandito siya sa buhay mo or kasama mo siya —you’re with the person.
“I love Gab, I love his family, I still care about them.
“Siguro kasi, with Gab, it’s different when you love someone and when you want to be with someone.
“Right now, I love him, I love his family, pero I don’t think I should be with him.” — Melba Llanera, (pep/gma)