Billy Crawford sets the record straight: ‘Wala akong kaaway’
It’s confirmed! The noontime program “Lunch Out Loud” on TV5 is here to stay!
This was stated by actor-musician Billy Crawford, who met the entertainment press, at the launch of the latest portion of L.O.L. called Maritest at Studio 72 in Quezon City over the weekend.
Billy, one of the hosts of the LOL, said he initially heard the rumor when he was still abroad. “Si Ogie (Diaz) ang unang tumawag sa akin tungkol dito. Nasa Paris ako nun. Katatapos ko lang ng screen test there for something. Si Ogie naka-tatlong missed call na. So tinawagan ko siya.
“Tapos sinasabi niya, ‘uy Billy, tutoo ba ito? Kaibigan ko so Ogie. Sabi niya tutoo ba ito magsasara na ang L.O.L? Ngayon ko lang narinig ‘yan kasi may trip pa ako sa Dubai. At pagbalik ko sa Pilipinas may taping pa kami ng L.O.L. Sabi ko naman sa kanya, malalaman dapat namin yan,” Billy recalled.
Billy said it was sad that L.O.L. was the target of malicious rumors. Worse, some people believe that the attack is aimed at the Filipino-American entertainer.
“Nagsimula ako sa industriya four years old and I am turning 40 on May 16. Sa tagal ko sa industriya, kapag may ila-launch na show, laging may balita na pasara na yan! Three months lang yan! Pag lumampas ng three months, six months lang yan! Pag lumapas ng six months, naku one year lang yan! It’s a repetitive attack na ginagawa ng mga kalaban, whatever.
“Kami, from the start, yung buong-puso namin na ginagawa, hindi para makipag compete. Hindi para magsabing masasara na ang programa ninyo. Ipinagpagpatuloy lang namin kung ano yung nawala sa amin ng dalawang taon. Thank God for BrightLights. Thank God for Lunch Out Loud!
“There are times na struggling kami sa ratings. Minsan nagugulat kami at pumapalo naman (sa ratings). It’s a bit unfair na sabihin nila na magsasara na ‘yan. It’s hearsay. Kapag wala kayong naririnig from TV 5, Sir Albee (Benitez), or sa aming mga host, wala itong katotohahan,” Billy reiterated.
Billy admitted he gets sometimes affected, but he said he couldn’t care less if the “enemies” would create vicious talks about him.
“Kilala ninyo ako. Kelan ako naging masamang tao sa industriya? Kung gusto nilang mag-imbento ng storya tungkol sa akin, nasa sa kanila yun. Mas maraming problema sa mundo ngayon kesa nagiimbento sila ng storya tungkol sa akin.
“Minsan nakakapikon. Ako yung bad boy, ako yung ganito. Pero wala na silang maisip na ibang bagay tungkol sa akin. Kasi hindi ko sila tinitira, hindi ko sila dinedemanda,” he said.
Billy, however, warned rumormongers from dragging his wife actress Coleen Garcia and their son Amari into controversies. “Iisa lang hindi nilang puwedeng gawin. Wala silang karapatan magsalita na laban sa anak ko at asawa ko. Doon na ako magwawala kung may sinabi na sila tungkol sa anak ko. Pero tungkol sa akin, negosyo, career, bahala kayo! Ako lang naman at ang Diyos ang tunay na nakaka-alam kung sino ako at ano ako.”
In Sept. 2020, Billy bid a tearful goodbye to ABS-CBN. But Billy revealed many of his friends didn’t understand his decision. He transferred to TV5 and joined LOL in October of the same year.
“Madaming mga kaibigan na nawala, hindi nakaintindi at maraming hindi makapaniwala. Hindi mo naman maiiwasan ‘yan kahit papaano. Nanggaling ako sa 7, nanggaling ako sa 2, now sa 5 na ako. Naikot ko na lahat, Ultimong si Kuya Germs hindi ako kinausap ng isang taon at ang sabi lang ng nanay at tatay ko sa akin, pabayaan mo na muna yan. Lambingin mo pagkatapos. Ang ginawa ko lang pumunta lang ako sa dressing room ni Kuya Germs at sinabi kong ‘i love you.’ That time Kuya Germs needed attention. Kilala ko yan. Tatay ko yan. So marami akong natututunan during my 30 years sa industriya. At ito ay panibagong atake sa mga artists sa online. Okay lang,” he said.
A person of integrity, Billy believes he doesn’t have enemies in show business.
“Wala akong kaaway, Kung may kaaway man ako hindi ko alam. Sila ang may problema sa akin, Alam ng mga tao na I’m a confrontational person. Kung may problema ako sa ibang tao, hinaharap ko yung problema ko. Ganyan kami nagi-start ni Vhong (Navarro) dati. Ako kasi gusto kong pagusapan. Kung may mali ako, mare-realize ko. At kung mali siya, gusto kong malaman. May mga tao kasi na tulad ni Vhong, gusto nila ng spasyo,” he said.
While he “lost” some of his friends during his network transfer, Billy said that his ties with other people have become stronger and solid. He counts Luis Manzano and Vhong Navarro as two of his best buddies. “At 40, ang hirap na maghanap ng mga bagong kaibigan. Actually, nung pandemya, naging konti ang kaibigan natin dahil naging isolated tayo. Hindi nadagdagan pero lumakas ang friendships namin na magkakaibigan. Naging solid.”
Believe it or not, but for several years now, Billy had no more nightlife. He doesn’t even drink wine and alcohol.
“Six years, walang wine at walang alcohol. Not even social drinking. Wala ring nightlife. Pinangako ko ito sa sarili ko,” he said.
Asked where he drew his strength to control it, Billy said: “Siguro nakuha ko yun sa mga mistakes ko in the past – yung ilang beses ka ng nababagok sa ulo. Sabi siguro sa akin ni Lord, ‘tama na yan. Baka sa susunod, patay ka na niyan.”
Billy is going back to France for a special project beginning in July. He’s also happy that Coleen is heading back to work as the country relaxes its restrictions from Covid-19. “Hindi madali ang fatherhood to juggle time. Hands-on din si Coleen sa anak namin. For her sanity bilang ina, kailangan niya yun (work). It’s good na magve-venture na siyang magtatrabho uli. Kalmado na siya ngayon kesa noong pandemya.”(R. Requintina, mb.com)