Alamat Ni Manny Pacquiao (Ika-34 Bahagi): Ang pagsikat at paglubog ni Manny Pacquiao sa dibisyon ng welterweight

  • Page Views 2349
  • Mula noong kanyang unang laban bilang welterweight, nanatili ang ang dakilang Pilipinong mandirigma sa ibabaw ng ring — si Manny Pacquiao — hanggang sa panahahong ito sa nasabing 147 librang dibisyon maliban sa dalawang pagkakataong pagbaba niya sa junior-welterweight (140 libra) at pag-akyat sa mas mataas na timbang sa super-welterweight (154 libra).

    Unang nakasagupa ni Pacquiao sa kanyang bagong dibisyon ang maalamat na si Oscar DeLa Hoya, 1992 Barcelona Olympic gold medalist at 11 beses na world pro champion sa anim na weight division, kabilang ang lineal championship sa tatlong weight classes.

    Ang 12 round na sagupaan na walang nakatayang korona na bininyagang “The Dream Match,” ay ginanap sa MGM Grand noong Disyembre 6, 2008 makaraang lumipat ang Pilipino mula sa kategorya ng lightweight kung saan ay kapapanalo lamang niya ng titulo sa pamamagitan ng KO sa ninth round kay David Diaz.

    Bagamat umakyat ang Pambansang Kamao sa ring na kilalang numero uno sa listahan ng pound-for-pound, maraming tinatawag na eksperto sa daigdig ng sweet science na ang 147 librang dibisyon ay sobrang napakabigat para sa isang boksingerong nagsimulang lumaban sa timbang na 109 libra.

    Kahit na si Manny na noon ay tinanghal nang pandaigdig na nagma-may-ari na ng sinturon sa flyweight, super-bantamweight, featherweight at super-featherweight para harapin at tangkang talunin ang mas malaki at mas mabigat na si DLH.

    Sa kabila ng kanyang pagiging dehado, dinomina ni Pacquiao si DeLa Hoya at matapos ang walong round, ang korner ng Mehikano-Amerikanong kalaban ay na-obligang ihagis ang puting tuwalya, hudyat ng pagsuko na nagkaloob sa Pilipino ng TKO na panalo na nagbunsod kay DLH na ipahayag ang kanyang pagre-retiro.

    SA bisa ng kanyang impresibong pagsupil sa isang dakilang Olympian, ipinasiya ng kanyang mga promoter na ibaba siya sa timbang ng junior-welterweght para makuha ang ika-anim niyang kampeonato sa walong nakatadhana niyang makolekta..

    Pinatulog ng Pilipino great si Ricky Hatton sa ikalawang round lamang ng nakatakdang 12-round na labanan para mahawakan din ang korona ng 14-librang dibisyon bagay na nagtulak sa mga humahawak sa kanyang career na ibalik siyang muli sa 147 librang klase at hamunin ang nagtatanggol na kampeong si Miguel Cotto para sa titulo ng huli.

    Noong Nobiyembre 14, 2009, pinasuko ni Pacquiao si Cotto sa 12th round TKO sa MGM Grand sa Las Vegas sa sagupaang tinawag na “Firepower.” Laglag ang Puerto Ricano sa lona sa round three at round four bago itinigil ng reperee ang laban may 0:55 segundo na lamang ang nalalabi sa huling round.

    Bukod makuha ang karangalang maging kauna-unahang boksingero na manalo ng kanyang ika-pitong sinturon, ginawaran din ang noon ay kongresistang si Manny ng WBO Super Championship title.

    Nai-uwi rin ni Manny ang kauna-unahang espesiyal WBC Diamond Championship belt na nilikha bilang eksklusibong parangal sa magwawi ng makasaysayang paghaharap sa pagitan ng dalawang pinaka-magagaling na mandirigma sa boksing. Makaraan ang laban, ipinahayag ni promoter at Top Rank top man Bon Arum: “Pacquiao is the greatest boxer I’ve ever seen, and I’ve seen them all, including Ali, Hagler and Sugar Ray Leonard.”

    Naging hudyat din iyon ng negosasyon para sa inaasam na Pacquiao-Floyd Mayweather “Super Fight,” bagamat tumagal ang usapan ng limang taon bago ito naganap.

    Samantala, sa pagitan ng mga pangyayaring ito, matagumpay na naipagtanggol ni Pacquiao ang kanpeonato nang sunod-sunod laban kina Joshua Clottey, Juan Manuel Marquez at Shane Mosley bago ito “ninakaw” sa kanya ni noon ay wala pang talong si Californian Timothy Bradley sa isang kuwestiyonableng split decision noong 2012.

    Larawan: Tumama ng kanan si Manny Pacquiao kay Shane Mosley nang maglaban sila noong Mayo 2, 2011. (Mula sa files ni EDDIE ALINEEA).

    (May Karugtong)

    Share

    New Posts Recently publish post More

    • 20 November 2024
      9 hours ago No comment

      Surrey Tree Lighting Festival welcomes Canadian Olympic Gold Medalist Phil Wizard on Nov. 23 Canadian artist and athlete to host breakdance demonstration

      Surrey, B.C. – The City of Surrey is proud to announce that Canadian breakdancer and 2024 Olympic Gold Medalist Philip Kim, also known as Phil Wizard, will host a breakdance demonstration at the 14th annual Surrey Tree Lighting Festival & Holiday Market at 4:30 p.m. on Saturday, Nov. 23. ...

    • Photo by the Canadian Armed Forces.
      14 November 2024
      7 days ago No comment

      How Filipinos contribute to Canada’s diverse military

      As one of the biggest racialized populations in Canada, Filipinos are helping build a diverse and inclusive society. Filipinos are found in almost every aspect of life in the country, including the military. In the lead-up to this year’s commemoration of Remembrance Day and Veterans’ Week, Statistics Canada on ...

    • 07 November 2024
      2 weeks ago No comment

      Marcos congratulates Trump

      President Ferdinand Marcos Jr. of the Philippines has congratulated Donald Trump for winning the November 5, 2024 U.S. presidential election. “President Trump has won, and the American people have triumphed. I congratulate them on their victory in an exercise that showed the world the strength of American values,” Marcos ...

    • Pope Francis addresses the crowd from the window of the apostolic palace overlooking St. Peter's square during the Angelus prayer on October 27, 2024 in The Vatican.
      04 November 2024
      2 weeks ago No comment

      Pope prays for Kristine victims in Philippines

      MANILA, Philippines — Pope Francis has offered prayers for Filipinos affected by Severe Tropical Storm Kristine. At Sunday’s Angelus address at the Vatican, the 87-year-old pontiff reportedly mentioned praying for the victims of Kristine. “I am close to the population of the Philippines, struck by a powerful cyclone. May ...

    • 04 November 2024
      2 weeks ago No comment

      Duterte: no apology, no excuses for drug war

      Former Philippine President Rodrigo Duterte on October 28, 2024 offered no apologies or excuses for his actions as he faced a Senate investigation into his widely criticized bloody war on drugs for the first time. Before reading his prepared statement during the hearing of the Senate blue ribbon subcommittee, ...