Pagkatapos ng 6th Annual General Meeting noong nakaraang buwan ng Mayo ay ipinamahagi ng One Filipino Cooperative of BC sa lahat ng mga may-ari/ kasapi nito ang kinita sa taong 2014. Ang Profit Sharing ay isinasagawa at ipinamamahagi kada taon sa lahat ng may-ari batay sa halaga ng kinita ng koop. Ang halagang matatanggap ng bawat kasapi ay batay sa kanyang Membership Share or naipon sa kooperatiba.
Maliban dito ay ipinamahagi din ang Balik-Tangkilik or Patronage Refund sa mga kasapi na patuloy na tumatangkilik sa mga programa at serbisyo ng koop tulad ng Pahiraman ng Bayan, Padalahan ng Bayan at iba pang serbisyo.
Ang halaga nito ay batay sa ibinayad na service fees sa programa o serbisyo na kanyang tinangkilik. Ang Profit Sharing at Patronage Refund ay ilan lang sa mga magandang benepisyo at sistema ng kooperatiba na hindi naibibigay ng ilang financial and lending institutions o ng ibang organisasyon o samahan Pinoy. DITO LANG PO IYAN SA SAMAHANG KOOPERATIBA!
SSS FOR FILIPINOS IN CANADA
Nailahathal dito sa Coop-talk noong buwan ng Mayo ang kagandahan ng patuloy na paghuhulog sa ating SSS or Social Security System sa Pinas kahit na nandito tayo sa Canada. Madali lang ang proseso at pagupdate nito dahil computerized naman ito. Ang FilCo-op Iremit Padalahan ng Bayan ay makakatulong para ipadala ang inyong regular na contribution na maaaring kada buwan or kada quarter. Maaari din nating malaman ang “status” o kalagayan ng inyong mga dating contributions at maaaring i-update ito. Makipag-alam lang po o tumawag sa 604-780-2061.
FILCO-OP IREMIT PADALAHAN NG BAYAN
Magiging madali, convenient at mas may benepisyo ang pagpapadala sa inyong mga mahal sa buhay kung kasapi kayo ng One Filipino Cooperative of BC o FilCo-op.
Ito ang mga kadahilanan:
1. Mas mataas ang palitan (Exchange rate)
2. May $2.00 Instant Patronage Refund or $2.00 Discount sa service fee
3. Hindi ka na lalabas para mamasahe or mag drive
4. Email, Text or Tawag lang pwede na
5. Pwede pang payable within a week
6. Pwede pang utang basta regular member
7. EXTENDED SERVICE HOURS!!!. Halos lahat ng mga remittance centers ay hanggang 5:00pm or 6pm lang. PERO ang FilCo-op Iremit Padalahan ng Bayan ay until 9:00 pa ng gabi. WOW!
KAYA IPAALAM SA INYONG MGA KAPAMILYA AT MGA KAIBIGAN! DITO NA TAYO! SALI NA!
TAWAG NA! 604-780- 2061 OR 604-780-6267
PAHIRAMAN NG BAYAN MICRO LENDING PROGRAM
Isa sa tinatangkilik ng mga kasapi at may-ari ng FilCoop ay itong programa sa pagpapahiram. Nailunsad ito upang tugunan ang aspetong pinansiyal ng mga kasapi sa panahon ng kanilang pangangailangan whether pang personal, pampamilya or pang negosyo. Sinuportahan ng Van- city Savings and Credit Union ang programang ito dahil nakita nila na malaki ang maitutulong nito sa ating mga kabayan. Sa pamamagitan ng programa ay natuturuan nito na makapag-ipon ang mga kasapi, kumita ang kanilang naipon at magamit ito sa panahon ng kanilang kagipitan. Sa ngayon, ang pahiraman ng bay- an ay may sapat na pondo para sa mga kababayan nating nangangailangan. Tawag lang po.
SOCIAL DEVELOPMENT PROGRAM
Aktibo ang programang ito lalo na ngayong summer. Taunan ay may mga Social and Team Building Activities tulad ng out of town trips, BBQ/picnics, crabbing, get-togethers, bingo socials at iba pang mga social activities para tugunan ang social needs ng mga kasapi. Itong 2015 ay nagawa ang social calendars na kasalukuyang ipinapatupad. Last holy week ay nag pilgrimage sa Groto, Portland, itong June ay nakiisa sa Community Picnic sa Slocan Park, July ay nag crabbing and picnic sa Ambleside, WestVan, nag-picnic din sa Queen Elizabeth Park. Itong August 16 ay naka-schedule na ANNUAL PICNIC at Mini-Bingo sa mga kasapi at kapamilya na gaganapin sa Picnic Ground ng Queen Elizabeth Park, Vancouver. May FilCoop camping rin na naka-schedule ngayong Septermber 4, 5, 6 and 7 Labor Day Long Weekend na naka book sa Klahanie Campground, Squamish, BC.
Sa mga kababayan nating nais maging bahagi at makinabang sa mga benepisyo sa mga programa at seribisyo ng One Filipino Cooperative of BC. Makipag-ugnayan lang po.
“The One Filipino Co-operative of BC, the first ever Filipino Co-operative Organization in BC was launched on October 31, 2009. The Co-op’s objective is to enhance the lives of the members, our kababayans, and support one another through cooperative effort or bayanihan. It is founded on the principles of self-help, responsibility, equality, democratic governance, focus on services to members, equitable distribution of benefits and earnings, and commitment for community growth and development.
FilCo-op’s Programs and Services includes Pahiraman ng Bayan Micro Lending Program, Padalahan ng Bayan Money Remittance Services, Times Telecom Products and Services, Pauwi ng Bayan Fly Now Later Loan Service, Auto Plan Referral Service, Damayang Pinoy Program, Lyoness Rewards, Job Posting/Networking and Referral Services.
Open to all our kababayans to join! For more information and inquiries, please call 604-780-2061 or email . You can visit the website www. filcoopbc. com. Facebook: Filipino Cooperative
. “Matutulungan ka na, Makakatulong ka pa. Kayang-Kaya Kung Sama-Sama!”