PINOY SA CANADA KASALI KA NA BA?

  • Page Views 2954
  • Malungkot ang buhay sa ibang bansa lalo na at ikaw ay malayo sa pamilya. Iyan ang pakiramdam ng mga OFW at mga immigrants hindi lamang dito sa Canada kundi sa buong mundo. Dahil sa layuning maiangat ang kalagayan sa buhay ng pamilya ay napipilitang maghanapbuhay o lumipat at mamuhay sa ibang bansa. Upang maibsan ang kalungkutan ay ibinubuhos ang panahon sa pagkakaroon ng 2 hanggang 3 trabaho. Sabi nga nila ay mas mabuting magtrabaho na lang, kikita pa. Tama din po iyon.

    May ilan namang binibigyan panahon ang sarili para makapaglibang-libang para matugunan ang pangangailangang sosyal at ispiritual. Hindi natin alam na mahalaga ang bagay na ito dahil ito ang nagbabalanse at nagiging normal ang ating mental at emotional na kalagayan. Kung hindi natin gagawin ito ay posibleng maging madali sa atin ang pagkakaroon ng depresyon dahil sa sobrang kalungkutan o mga frustration sa buhay. Ayaw nating mangyari ito sa atin di ba?

    Kaya mga kabayan, halina at makilahok sa mga samahang Pinoy dito sa BC. Nariyan ang mga cultural at religious organizations at iba pang Filipino community civic groups. Lahat iyan ay may layuning maayos ang pakikipag-ugnayan sa kapwa, magtulungan  at magkaroon ng isang masayang pinoy community. Makakatulong ito upang maibsan ang kalungkutan at mapabuti ang ating kalagayang sosyal, emosyunal at ispiritual. Pumili lang tayo kung anong grupo o samahan ang naaangkop sa ating gawi at interes. Isang grupo o samahan na maaaring tutugon sa ating pangangailan.

    Isa lamang sa mga samahang Pinoy dito sa BC ang  One Filipino Cooperative. Sa Pilipinas, ang samahang  kooperatiba ay laganap at maunlad gaya ng farmers cooperative, employees credit union at iba pa uri na ang mga kasapi ang nagmamay-ari at namamahala. Ang samahang kooperatiba ay nabuo at natatag sa pangunahing layunin na makapagbigay serbisyo at makinabang ang mga kasapi nito.

    ANO ANG ONE FILIPINO COOPERATIVE?

    The One Filipino Co-operative of BC, the first ever Filipino Co-operative Organization in BC was launched on October 31, 2009. The Co-op’s objective is to enhance the lives of the members, our kababayans, and support one another through cooperative effort or bayanihan.  It is founded on the principles of self-help, responsibility, equality, democratic governance, focus on services to members, equitable distribution of benefits and earnings, and commitment for community growth and development.

    Sa simpleng salita, ito ay isang samahan na nagtutulungan at nagbabahaginan ng mga kaalaman, pinansiyal, kakayanan para matugunan ang pangangailangang pinansiyal, emosyunal, pakikipagk ugnayan sa kapwa at  pagtulong sa pamayanan.

    Ilan sa mga Programa at Servisyo nito ay ang Pahiraman ng Bayan Micro lending Services, Padalahan Iremit Money Remittance, Pauwi sa Pinas Fly Now Pay Later, Damayang Pinoy Program, Job Posting and Networking, Business Referral Services at marami pang iba. Sa detalye ng serbisyo ay bisitahin ang website: www.filcoopbc.com.

    Sa mga nais maging kasapi at maging bahagi ng samahang kooperatibang pinoy, makipag-ugnayan lamang po sa email: [email protected], call/text: 604-780-2061.

    Dito sa FilCo-op, matutulungan ka na, makakatulong ka pa. Kayang Kaya Kung Sama-Sama!.

    Share

    New Posts Recently publish post More

    • 23 December 2024
      3 weeks ago No comment

      Mission/Vision FCCHS

      The Fil-Can Cultural Heritage Society of FCCHS is a non-profit organization established for the purpose of engaging the Filipino-Canadians to immerse themselves in the rich heritage of their ancestors. Our vision is to actively participate, celebrate and promote Filipino cultural and social heritage and values to the various Surrey communities and ...

    • Members & Officers of the PMB holding the City Proclamation of IMD at the CIty Hall in Barrie, Dec 17. (Photo credit: PMB)
      23 December 2024
      3 weeks ago No comment

      International Migrants Day Proclaimed in BC and Barrie, Ontario!

      Victoria, B.C. — The Province of British Columbia proclaims December 18 as International Migrants Day in the whole province to recognize the contributions of migrants to the province as well as the many challenges they face in Canada. The Provincial Proclamation was witnessed and signed by the Honourable Janet ...

    • I'm hoping you can let me share the spotlight with Pareng Rey in this story about the "75 Faces of Migration". I'm sending here a photo of mine and for caption, just use my name: Carlito Pablo.
      17 December 2024
      3 weeks ago No comment

      PNT’s Rey Fortaleza and Carlito Pablo honoured in 75 Faces of Migration

      The “75 Faces of Migration” tells inspiring stories of Filipinos in Canada and their remarkable journey. The initiative is a joint undertaking by the Embassy of Canada in the Philippines and the Philippine Embassy in Canada. The storytelling project is one of the highlights of the celebration in 2024 ...

    • 12 December 2024
      4 weeks ago No comment

      PNT’s Rey Fortaleza and Carlito Pablo honoured in 75 Faces of Migration

      The “75 Faces of Migration” tells inspiring stories of Filipinos in Canada and their remarkable journey. The initiative is a joint undertaking by the Embassy of Canada in the Philippines and the Philippine Embassy in Canada. The storytelling project is one of the highlights of the celebration in 2024 ...

    • One in five immigrants will decide to leave Canada within 25 years. Photo by nappy on pexels.com.
      11 December 2024
      1 month ago No comment

      Onward migration: newcomers giving up on Canada

      Canada remains one of the most preferred destinations for immigrants. However, the country is struggling to keep newcomers. A new report reveals a rise in the number of immigrants leaving for other countries, a phenomenon known as “onward migration”. One in five immigrants who come to Canada will decide ...