Tila hindi mapaghiwalay ang magkasintahang Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli habang naglilibot sa hometown ng binata sa Cebu kahapon, December 18.
Panay ang holding hands ng dalawa nang bisitahin nila ang mga estudyante ng Gualandi Effata Catholic School for the Hearing Impaired.
Pagpasok pa lang ng classroom ay magkahawak-kamay na ang dalawa.
Hindi sila bumitaw sa isa’t isa habang masayang pinanonood ang pagkanta ng Christmas song ng mga bata.
Habang nagbibigay ng instruction si Matteo sa mga bata na kumanta ng “O Holy Night” ay magka-holding hands pa rin sila ni Sarah.
Kasalukuyang nagbabakasyon si Sarah sa Cebu kasama ang mga kaanak ni Matteo.
Base sa fan account ng couple, nakunan silang kumakain ng lunch kasama ang lola ni Matteo at mga kapatid ng binata.
Makikitang kumportable si Sarah sa piling ng mga ito.
Limang taon nang magkarelasyon sina Matteo at Sarah.
Nagdiwang sila ng kanilang fifth anniversary sa Italy noong September.
May mga lumabas na espekulasyong nag-propose noon si Matteo kay Sarah.
Todo-iwas ang Kapamilya actor-singer tungkol dito nang makapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong September 20.
Pero kung anu’t ano man, bukas sa pagsasabi si Matteo kung gaano nito kamahal si Sarah at secure sila sa tibay ng kanilang relasyon.
(R. Siazon, pep)