Kagawaran ng Pananalapi ng Canada
Noong 2015, ang mga masisipag na Canadians ay nagpatunay na pag gusto nating lumakas ang ekonomiya, ang unang dapat gawin ay palakasin natin ang middle class.
Ang mga kababayan natin ay pinili ang gobyerno na ito upang bigyang-puhunan ang mga middle class at sa mga nagsusumikap na makasali dito.
Kapag namumuhunan sa middle class, namumuhunan tayo sa mga kababayan natin at maaaring bigyan tulong ang mga kababayan na nangangailangan. Ang pag-invest sa ating bansang Canada ay upang maging mas malakas, at mas gumanda ang kapalaran ng ating bansa para sa ngayon at para sa darating na panahon.
Upang mapatuloy pa ang magagandang gawain ng Gobyerno natin, ang Ministro ng Pananalapi Bill Morneau ay isinalang ang Budget 2019 – Investing in the Middle Class
Ang Budget 2019 ay ang susunod na hakbang para sa plano ng ating Gobyerno upang lumago ang ekonomiya at patuloy na ibaba ang pederal debt to GDP (gross domestic product) ratio.
Sa Budget 2019, iminungkahi ng Gobyerno na:
1. Gawin ang pagbili ng mga bahay na mas abot-kaya para sa first time home buyer: ipapatupad ang ‘First Time Home Buyer Incentive.’ Ito ay ang shared equity mortgage program na puwedeng magpababa ng bayad sa mortgage pag gusto ng ating mga kababayan na bumili ng bahay nila sa unang pagkakataon. Itataas rin nang Gobyerno ang access sa ‘Registered Retirement Savings Plan’ para sa gustong bumili ng bahay.
2. Tulong para sa mga manggagawa na may gustong mag-aral. Ang bagong “Canada Training Benefit,” upang suportahan ang mga kababayan na gustong mag aral upang mapasama sila sa middle class. Magbibigay suporta sa kanilang kita kung nais nilang mag-aral ng bagong kakayahan sa kanilang mga trabaho. Ang ating Pederal na Gobyerno at ang ating probinsyal na Gobyerno ay mag sasanib pwersa para sa mga manggagawa upang meron silang kaligtasan sa trabaho pag wala silang kita.
3. Ihanda ang ating mga kabataan para sa magandang trabaho. Importante sa atin ang edukasyon kaya ang ating Gobyerno ay binaba ang interest rates nang ‘Canada Student Loans’, pinahabaan ng Gobyerno ang grace period. Ngayon, anim na buwan na ang walang interest sa utang pagtapos ng eskuwela, at ang Gobyerno ay maglilikha ng 84,000 na mga bagong magagandang trabaho para sa mga estudyante kada taon hanggang sa 2023-24.
4. Tulungan ang mga Canadians para sa kailangan nilang gamut: Nagpasimula na ng plano ang ating Gobyerno para sa “National Pharmacare Plan” gagawin nila ang bagong “Canada Drug
Agency” na magpapababa ng gastos sa gamot para sa mga kababayan ng halos $3 bilyon kada taon.
5 Suportahan ang mga matatanda na pumiling magpatuloy na mag trabaho at merong mababang kita. Ang Gobyerno ay magbibigay suporta sa pamamagitan ng “Guaranteed Income Supplement” exemption upang mas makapag-ipon ang ating mga matatandang kababayan.
6 Suportahan ang mga proyekto ng ating mga munisipalidad. Ang panukala ng Gobyerno na “one-time top-up” na nagkakahalaga ng $2.2 bilyon sa pamamagitan ng pederal gas tax fund, itong pondo na ito ay magiging doble mula sa pangako ng Gobyerno para sa ating mga municipalities noong 2018-2019.
7 Bibigyan ang lahat na mga Canadians ng akses sa mabilis na internet para lahat ng mga bahay at negosyo ng ating mga kababayan, upang mapabilis at umabot sa 50 Mpbs high-speed ang kanilang internet kahit saan sila naninirahan.
8 Bawasan ang gastos sa enerhiya sa pamamagitan ng pakikipagtuwang kasama ang Federation of Canadian Muncipilaties upang madagdagan ang kahusayan ng enerhiya sa mga tirahan, komersyal at sa mga gusali, at sa pamamagitan ng pagpapasok ng isang bagong insentibo para sa pagbili ng bateryang elektriko o gamit ang hydrogen fuel cell vehicles na nagkakahalagang $45,000 ayon sa maypabrika.
9 Lalong pagsulong ng kasunduan kasama ang mga Katutubo sa pamamagitan ng bagong panukala upang mas lalong pabutihin ang kalidad ng buhay para sa First Nations, Inuit and Métis Peoples sa Canada at pag suporta ng self-determination sa pamamagitan ng pag-invest sa pag papaayos ng kalidad ng tubig; pagaalaga, pagbubuhay, at pag tataguyod ng mga wikang katutubo; lalong pagbubutihin ang kalidad ng edukasyon at ng pangangalaga sa kalusugan para sa mga batang katutubo na naaayon sa kanilang kultura; at pag susuporta sa pag tatag ng mga negosyong pagmamay-ari ng mga katutubo.
Sa bagong mga investments sa Budget 2019, kasama ang mas mababang buwis, mas maraming pera ang matitara sa bawat bulsa ng mga mamamayan bawat buwan at dahil mas maraming oportunidad para sa mas mahuhusay na mga trabaho, may magandang dahilan ang mga middle class Canadians na mas may kumpiyansa sa kung ano man ang hinaharap para sa kanilang sarili at sa kanilang mga pamilya.
(E-mail: fin.financepublic-financepublique.fin@canada.ca)