Nobyembre 22, 2018
1,000,000 Dahilan para Ipagdiwang ang Pabahay sa Canada
TORONTO, ON – Ang bawat Canadian ay nararapat magkaroon ng ligtas at abot-kayang lugar na matatawag na tahanan. Kaya, simula noong Budget 2016, ang Gobyerno ng Canada ay gumawa ng malaking pamumuhunan para magpatayo ng mas abot-kayang pabahay at para gawing mas abot-kaya ang mga bahay sa buong Canada.
Simula noong 2016, namuhunan ang Gobyerno ng Canada ng mahigit sa $5.7 bilyon sa buong Canada. Nakatulong ang mga pamumuhunang ito sa milyun-milyong pamilya, matatanda, mga babae at mga batang tumatakas sa karahasan sa tahanan, mga Katutubo ng Canada, mga taong may kapansanan, mga taong may mga isyu sa kalusugang pangkaisipan at adiskyon, mga beterano at mga kabataan.
Ngayong araw na ito, ang Kagalang-galang na si Jean-Yves Duclos, Ministro ng Pagpapaunlad sa Mga Pamilya, Bata at Lipunan at ang Ministro na responsable para sa Canada Mortgage and Housing Corporation (CMHC), at si Adam Vaughan, Kalihim na Parlyamento sa Ministro ng Pagpapaunlad sa Mga Pamilya, Bata at Lipunan, ay itinampok ang mga pamumuhunan ng gobyernong pederal para sa pabahay mula pa noong taong 2016.
Bilang resulta ng mga pamumuhunang ito, 14,703 na bagong unit ang itinayo o itinatayo, 156,526 na unit ang inayos o inaayos, at 773,233 na pamilya o mga indibiduwal ang nakinabang mula sa mas abot-kayang lugar na matitirhan. Ang mga pamumuhunang ito ay nagbigay din ng mas matatag na pabahay sa 25,769 na mga Canadians na walang tahanan o nasa panganib na mawalan ng tahanan.
Sipi
“Nagsusumikap kami para matiyak na ang bawat Canadian ay mayroong access sa ligtas at abot-kayang lugar na matatawag na tahanan. Nakatuon kami na gawing mas abot-kaya ang pabahay, at salamat sa mga pamumuhunan na ito na ginawa ng Gobyerno ng Canada, halos 1 milyong pamilya sa buong Canada ang mayroong abot-kayang tahanan. Ang kauna-unahang National Housing Strategy, na isang $40 bilyong programa, ay bubuuin ang tagumpay na ito sa mga darating na taon.” – Kagalang-galang na si Jean-Yves Duclos, Ministro ng Pagpapaunlad sa Mga Pamilya, Bata at Lipunan
“Mula sa kauna-unahang araw ng mandato ng ating Gobyerno, ginawa natin ang pabahay na isang malinaw na priyoridad. At ngayon ito ay may pinagmamalaking tunay na mga resulta at tunay na epekto sa buong bansa. Ang anunsyo ngayong araw ay ipinapakita ang progreso na nagawa natin mula pa noong taong 2016, at ito rin ay magtatakda bilang huwaran sa darating pa na mga resulta. Ang ating Gobyerno ay nagsisimula pa lamang. Ang National House Strategy ay magpapatuloy na susulong upong marami pang Canadian ang pwedeng makinabang sa mga susunod na mga buwan at taon.” – Adam Vaughan, Kalihim na Parlyamento sa Ministro ng Pagpapaunlad sa Mga Pamilya, Bata at Lipunan Mga Mahalagang Impormasyon
•Sa Ontario lamang, namuhunan ang Gobyerno ng Canada ng $2 bilyon para suportahan ang mahigit sa 300,000 pamilya simula noong 2016.
•Ang mga resultang ito ay sinusundan na ngayon ng kauna-unahang National Housing Strategy na nagbibigay ng karagdagan, matatag at mas matagalang mga pondo sa abot-kayang pabahay na sector ng Canada. Magreresulta ang National Housing Strategy sa mahigit $40 bilyon ng pamumuhunan sa pabahay at mahigit sa kalahating milyong pamilya ang maiaalis mula sa pangangailangan ng bahay.
•Poprotektahan ng National Housing Strategy ang pagiging abot-kaya ng 385,000 na mga unit ng pabahay, aayusin ang 300,000 abot-kayang bahay, magtatayo ng isa pang 100,000 at magbibigay ng direktang suporta para sa mga nangangailangan ng bahay.
•Babawasan ng National Housing Strategy ang talamak na pagiging walang tahanan nang 50% at magtatatag ng pamamaraan sa pabahay sa Canada na batay sa mga karapatang pantao.
•Kumonsulta ang Gobyerno sa Canadians tungkol sa pamamaraan sa pabahay na batay sa mga karapatang pantao. Sa pamamagitan ng mga pagkonsultang ito, ang mga Canadians na mula sa iba’t ibang pinagmulan, mga eksperto at provider sa pabahay, mga akademiko at mga tao na may karanasan sa sistema ng pabahay mula sa buong bansa ay ibinahagi ang kanilang mga saloobin, ideya at feedback sa kung ano ang kahalagahan sa kanila ng pabahay at mga karapatang pantao. Ngayong araw na ito naglabas ang CMHC ng What We Heard na ulat na makikita sa placetocallhome.ca.
Mga May Kaugnayang Link
•Bilang awtoridad ng Canada sa pabahay, nag-aambag ang CMHC sa katatagan ng merkado ng pabahay at sistema ng pananalapi, nagbibigay ng suporta para sa mga Canadians sa pangangailangan sa pabahay at nagbibigay ng walang kinikilingang pananaliksik sa pabahay at payo sa lahat ng antas ng gobyerno ng Canada, mga consumer at ang industriya ng pabahay. Para sa higit pang impormasyon, bisitahin ang aming website o i-follow kami sa Twitter, YouTube, LinkedIn, Instagram at Facebook.
•Para malaman pa ang tungkol sa National Housing Strategy, bisitahin ang www.placetocallhome.ca.
Impormasyon sa paglabas na ito:
Valérie Glazer
Kalihim ng Press
Opisina ng Ministro ng Pagpapaunlad ng Mga Pamilya, Bata at Lipunan
819-654-5546
valerie.glazer@hrsdc-rhdcc.gc.ca