Na ang mananalo ng Game 4 ay tatanghaling tsamp sa PBA Philippine Cup?
Simple lang ang sagot.
Kapag hindi nagloko ang First Five ng San Miguel Beer, walang tatalo sa Beermen.
Sa elimination round pa lang, 10-1 ang SMB. Disgrasya lang ang kaisa-isang talo ng Beermen sa Phoenix.
Tiklop din ang Rain or Shine na yumukod agad sa isang engkuwentro lamang laban sa SMB sa quarters.
Umabot sa Game 7 ang SMB-TNTsemifinals. Dito sinwerte ang Beermen nang hindi nakalaro si KaTropang Jason Castro sa Game 7.
Bumuhos din ang suwerte sa Ginebra nang malusutan nito ang Star sa kanilang Game 7 semifinals.
Pero sa Finals, naubos ang buwenas ng Ginebra matapos nitong masikwat ang Game 2 sa obertaym para itabla ang best-of-seven Finals sa 1-1.
Gayunman, nang tinotoo na nina SMB First Five Fajardo, Santos, Lassiter, Cabagnot at Ross ang bakbakan, nanguluntoy ang Ginebra.
Hindi pa man naitatala ng SMB ang panalong 99-88 sa Game 3, buong tapang ko nang sinabi rito na tsamp na ang mananalo ng Game 4.
Kayat sa 94-85 na tagumpay ng SMB sa Game 4 para sa abanteng 3-1, ang panapos sa seryeng 91-85 win sa Game 5 ng Beermen ay hindi na dapat pagtakhan pa.
Insulto wari kay Ginebra coach Tim Cone ang panalong 4-1 ni SMB coach Leo Austria.
Kung boksing ito, tulog si Cone sa second round. Nakulata.