Site icon Philippine Asian News Today | FILIPINO Canada News Vancouver

Vice Ganda says he will still send an entry to the Metro Manila Film Fest next year

Masayang masaya na inanunsyo ni Vice Ganda ngayong araw sa noontime show na “It’s Showtime” ang mas maagang pelikulang pamasko nila ni Coco Martin na mapapanuod sa darating na November 30.

Kabilang ang kanilang pelikulang “The Super Parental Guardians” sa mga hindi pinalad makasama sa opisyal na listhan ng mga pelikulang mapapanuod sa Metro Manila Film Fest ngayong darating na Pasko.
Sa panayam na ito kay Vice, inamin niya na nasaktan siya noong unang malaman na hindi napabilang ang kanilang pelikula sa darating na MMFF, ito ay dahil sa natakot siya na baka maputol na ang kanyang panata na magpasaya at magpa-ngiti sa mga tao tuwing sasapit ang Pasko.

“Panata ko na yun na dapat taon-taon lagi kaming may regalo sa pamilyang Pilipino lalong lalo na sa mga bata, kasi ang Pasko ay para talaga sa mga bata yan e, ito yung panahon na lumalabas sila ng bahay kasama ang kanilang mga magulang, kakain sa mall at manunuod ng sine,” simulang kwento ni Vice.
Dagdag pa ng TV host, malaki ang pasasalamat niya sa mga positibong tweet na kanyang nababasa tungkol sa naging desisyon ng MMFF committee.

“Actually nung sinabi sakin na hindi kami pumasok sa listahan for film fest, na-sad ako siyempre talaga namang normal ang malungkot, sabi ko na lang ‘sayang wala akong pelikula sa film fest’ tapos ng umuwi na ako nagbasa ako ng Twitter, binasa ko yung mga tweets, naiyak ako sabi ko ‘ang sarap sa pakiramdam na ganon ang nabasa ko na halos lahat puro positibo’, doon ko na realize na mayroon na pala akong magandang naibahagi sa pamilyang Pilipino na talagang naalala at inaaalala every year, napagod nga ako kakabasa ng mga magagandang tweets para sakin kaya nagpasalamat ako talaga.”
Bukod dito, inilahad niya ang kanyang nararamdaman sa mga nasabing pagbabago sa MMFF, pero ayon mismo kay Vice, excited pa din siya na mag pa ngiti at mag pa ligaya sa mga manunuod bago dumating ang Kapaskuhan.

“Wala naman, ang mahalaga naman ay mayroon kaming produktong ihahain sa mga manunuod di ba, yung date lang naman ang nagkatalo, yung date lang ang naiba, ganun buo pa din ang regalo, matatanggap pa din ng mga pamilyang manunuod para sa Pasko.”

Dahil sa mga malalaking pangyayari at pagbabago sa MMFF , sinisgurado pa din ni Vice na hindi matitigil ang kanyang panata na mag pa saya at mag pa ngiti sa mga tao tuwing sasapit ang Kapaskuhan. Aniya kung papalarin, sasali pa din sila sa susunod na mga taon para sa taunang selebrasyon ng MMFF.

“Sasali pa din kami, kasi panata nga ito e, kailangan pasayahin namin yung mga bata, parang sa mga bata kami na in-charge doon, sa iba parang kayo na bahala doon sa mga pang mature na pelikula yung mga sinasabing pang matalinong pelikula basta sa min na ang mga bata,” pagtatapos ni Vice. (K. Escuadro, push.com)

Exit mobile version