Dito ay tinanong ang aktres kung nakatulong ba ang bakasyon niya sa London upang mahilom ang sarili sa masasakit na pinagdaraanan niya dahil sa lumalalang away ng pamilya Barretto.
Sagot ni Gretchen, “I can’t say na nag-heal. “So, I can’t deny na masakit kung sa masakit… nakakagulo, nakakagulo “But, nakakabangon din.
“The love that other people have and the support, yun ang parang itinataas ka para bumangon ka.
“Of course, tinawagan ako ng ABS CBN, ‘Come home, the project is ready, let’s have a meeting.’
“So, nandito ako.” Dagdag niya, “Hindi ko rin masasabi na walang sama ng loob.
“Mayroong sama ng loob, mayroong sakit.
“Yun, hindi ko na made-deny yun, that’s it.”
Pero ayon din kay Gretchen, “Kailangang ibahin ko na ang utak ko, hindi puwedeng puro na lang sakit.
“‘Yang sakit na ‘yan, I will reserve it. I will keep it somewhere.
“Gagamitin ko na lang pag nag-shooting uli ako.
“Pag kailangan ko ang emosyon na ‘yan, gagamitin ko.
“That is going to make it more positive.
“Makikita ninyo sa pelikulang ito, lahat ng sakit, ilalabas ko. “Pagkakakitaan ko, hindi yung sayang naman.
“May pinagdaanan ka na, e, gamitin ko na lang.”
SUPPORT SYSTEM. Sabi pa ni Gretchen, kahit nasa London siya noon ay parang nasa Pilipinas pa rin siya dahil sa ipinaparating na pagmamahal at suporta ng kanyang mga kaibigan.
“Nung nasa London ako, yung suporta ng mga kaibigan, kung anuman ang pinagdaanan ko, nandun.
“Nagti-text, nag-i-Skype, nagi-email, nagpe-Facebook, private message…
“Naramdaman ko na parang nasa Pilipinas lang ako.
“Naramdaman ko na maraming naniniwala sa akin, maraming nagmamahal.
“And, hindi ako tumigil sa pagdarasal.